Sen. Poe, tiwalang matitiyak ng 2025 National Budget ang responsableng paggamit ng pera ng bayan

Kumpiyansa si Senate Committee on Finance chairperson Senadora Grace Poe na ang nilagdaang 2025 National Budget ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay hindi lang magtitiyak na maiiwasan ang maling paggamit ng kaban ng bayan, kundi magsisiguro ring mananatiling responsable, sustainable ay nakalinya sa fiscal priorities ang paggasta ng pamahalaan. Ayon kay Poe, sinasalamin ng… Continue reading Sen. Poe, tiwalang matitiyak ng 2025 National Budget ang responsableng paggamit ng pera ng bayan

Naitala ng Pilipinas ang bagong record sa non-tax revenue na aabot sa P555.3 bilyon

Photo courtesy of Department of Finance (DOF)

Maituturing na malaking tagumpay sa ilalim ng pamumuno ni Finance Secretary Ralph Recto na iangat ang koleksyon sa pamamagitan ng non-tax revenues. Sa lumipas na mga taon, tumaas ng 45.6% ang kita mula sa non-tax revenue, na naging daan upang mas maraming proyekto at programa ng gobyerno ang maipatupad. Ayon sa Department of Finance, inaasahan… Continue reading Naitala ng Pilipinas ang bagong record sa non-tax revenue na aabot sa P555.3 bilyon

Nilagdaang 2025 National Budget ni PBBM, repleksyon ng nagkakaisang hangarin ng pamahalaan na makatugon sa pangangailangan ng mga Pilipino— Speaker Romualdez

Sinasalamin ng P6.326 trillion 2025 National Budget ang hangarin ng pamahalaan na mapagbuti ang buhay ng mga Pilipino. Ito ang iginiit ni Speaker Martin Romualdez kasunod ng paglagda ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2025 General Appropriations Act. “Today marks a significant milestone as President Ferdinand R. Marcos Jr. signs the P6.326-trillion General Appropriations… Continue reading Nilagdaang 2025 National Budget ni PBBM, repleksyon ng nagkakaisang hangarin ng pamahalaan na makatugon sa pangangailangan ng mga Pilipino— Speaker Romualdez

Mabigat na trapiko, asahan sa Elliptical Road dahil sa isasagawang “Quezon City Countdown to 2025” bukas

Inabisuhan ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon City ang mga motorista hinggil sa inaasahang pagbigat ng trapiko sa Elliptical Road. Ito ay dahil sa isasagawang “Quezon City Countdown to 2025” sa Quezon Memorial Circle bukas. Batay sa abiso, ang New Year’s Eve countdown ay magsisimula ng alas-4 ng hapon kung saan mapapanood ang ilang kilalang… Continue reading Mabigat na trapiko, asahan sa Elliptical Road dahil sa isasagawang “Quezon City Countdown to 2025” bukas

Presyo ng mga bilog na prutas sa Marikina Public Market tumaas na, ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon

Dagsa na ang mga mamimili rito sa Marikina Public Market ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon. Mabenta na rin ang mga bilog na prutas na pinaniniwalaang pampaswerte. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, tumaas na rin ang presyo nito ng P10 hanggang P20 partikular na ang pakwan, melon, suha, at honey dew. Nakapanayam din… Continue reading Presyo ng mga bilog na prutas sa Marikina Public Market tumaas na, ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon

PH Gov’t, inaasahang magbebenta ng mas maraming assets upang pataaasin ang revenue collection sa 2025

Photo courtesy of Department of Finance Facebook page

Inaasahang mas maraming government assets ang maibebenta sa susunod na taon upang pataasin ang revenue collection ng bansa. Ito ay kasunod ng pag-apruba ng panuntunan ng Privatization and Disposition of Government Assets ng Privatization Council (PrC). Ayon sa Department of Finance, ang PrC ay ang policy-making body na minamandato na pangasiwaan ang privatization program ng… Continue reading PH Gov’t, inaasahang magbebenta ng mas maraming assets upang pataaasin ang revenue collection sa 2025

House panel chair, ikinalugod ang pagkakasama sa 2025 National Budget ng ikalawang sigwada ng salary standardization

Tiyak na ang panibagong salary hike para sa may 1.8 milyong kawani ng gobyerno sa 2025. Ito ang magandang balitang ibinahagi ni Committee on Civil Service and Professional Regulation Chairperson Kristine Alexie Tutor kasunod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2025 General Appropriations Act. Nakapaloob sa pambansang pondo ang ₱1.757 trillion na… Continue reading House panel chair, ikinalugod ang pagkakasama sa 2025 National Budget ng ikalawang sigwada ng salary standardization

House Appropriations Chair, pinuri ang on time na paglagda ni PBBM sa 2025 National Budget

Pinapurihan ni House Appropriations Committee Chair Rep. Elizaldy Co si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang paglagda sa 2025 General Appropriations Act. Giit niya na mahalaga na naisabatas ang pambansang pondo on time para maiwasan ang pagkaka roon ng reenacted budget. Patunay din aniya ito ng commitment ng Kongreso na tiyaking naka-linya ang pambansang… Continue reading House Appropriations Chair, pinuri ang on time na paglagda ni PBBM sa 2025 National Budget

P6.326-T pambansang budget sa 2025, pinakamakapangyarihang kasangkapan para sa malawakang economic benefits — Sec. Recto

Binigyang-diin ni Finance Secretary Ralph G. Recto na ang P6.326 trilyong pambansang budget para sa 2025 ang pinakamahalagang kasangkapan ng pamahalaan upang maihatid ang pinakamalaking economic benefits sa mga Pilipino. Aniya, magdodoble-kayod ang kanyang kagawaran upang maayos na makalikom ng pondo para dito. Kaninang umaga nilagdaan bilang batas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang General… Continue reading P6.326-T pambansang budget sa 2025, pinakamakapangyarihang kasangkapan para sa malawakang economic benefits — Sec. Recto

Magkahiwalay na insidente ng pamamaril ng pulis sa Negros Occidental at North Cotabato, iniimbestigahan na ng PNP-IAS

Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) Internal Affairs Service (IAS) ang motu proprio investigation sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril na kinasangkutan ng mga pulis ngayong holiday season. Ang unang insidente ay naganap noong Pasko sa Pulupandan, Negros Occidental, kung saan sangkot si PCpl. Armin Alanza ng 604th Regional Mobile Forces Battalion. Batay sa… Continue reading Magkahiwalay na insidente ng pamamaril ng pulis sa Negros Occidental at North Cotabato, iniimbestigahan na ng PNP-IAS