Isyu at anomalya sa delivery ng Balikbayan Boxes ng OFWs, pinatutugunan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maigting ang panawagan ni OFW Party-list Representative Marissa Magsino sa pamahalaan, na aksyunan ang mishandling, delay at pagkawala ng balikbayan boxes na matagal na aniyang problema ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Sa pagtalakay ng inihain niyang House Resolution 299 sa Committee on Overseas Workers Affairs, hiniling ni Magsino na maayos na ang systemic failure sa delivery ng mga balikbayan box.

Kasama na rin dito ang iligal aniyang pagpapasubasta ng mga unclaimed balikbayan box.

Ilang mga OFW din ang humarap sa pagdinig upang iparating ang kanilang hinaing sa mga mambabatas.

Ang isa sa kanila, si Estrella Aseo, inihayag ang sama ng loob dahil sa hindi na nakarating sa pamilya ang pinaghirapang mga pasalubong na laman ng balikbayan box.

Paalala ni Magsino, ang balikbayan box ay hindi lang basta isang package–simbolo kasi aniya ito ng mga pag-asa, pangarap at sakripisyo ng mga OFW.

“The ‘Balikbayan Box’ is more than just a package; it is the hopes, dreams, and sacrifices of our OFWs. To see this tradition tainted by theft, mismanagement, and fraud is unacceptable. It is an insult to their hard work and their families’ trust,” sabi ni Magsino

Hinikayat naman ng lady solon ang Bureau of Customs at Department of Trade and Industry, na magsumite ng panukala para maisaayos ang problema sa delivery ng mga balikbayan box. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us