6 na bangkay narekober sa landslide sa Maco, Davao de Oro

Iniulat ni Eastern Mindanao Command (Eastmincom) Spokesperson Colonel Rosa Ma. Cristina Rosete-Manuel, na apat na bangkay na ang narekober at 31 sugatang biktima ang naligtas sa pagpapatuloy ng rescue operations sa naganap na landslide kagabi sa Brgy. Masara, Maco, Davao de Oro.  Base aniya ito sa update mula sa Maco Municipal Disaster Risk Reduction and… Continue reading 6 na bangkay narekober sa landslide sa Maco, Davao de Oro

Davao Public Transport Modernization project, game changer, ayon kay Pangulong Marcos

Asahang magsisilbi nang template sa mga susunod pang mass transport system sa buong bansa ang Davao Public Transport Modernization Project (DPTMP). Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa signing ng civil works contracts para sa proyekto ngayong araw (February 7), kasabay ng selebrasyon ng ika-125 Founding Anniversary ng Department of Transportation (DOTr) sa… Continue reading Davao Public Transport Modernization project, game changer, ayon kay Pangulong Marcos

Bangko Sentral ng Pilipinas, naniniwala sa paglago ng digital payment sa bansa na higit na pakikinabangan ng mga maliliit na negosyo

Kumpiyansa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magpapatuloy ang paglago ng digital payment technologies at ang paghahatid ng mga serbisyong pinansyal sa mga small medium-enterprise o MSMEs. Ayon kay Deputy Governor  Mamerto Tangona, malaki na ang nakamit sa pagpapatupad  “2020-2023 Digital Payments Transformation Roadmap (DPTR)” katuwang ang  public and private sector partners. Aniya,  mula… Continue reading Bangko Sentral ng Pilipinas, naniniwala sa paglago ng digital payment sa bansa na higit na pakikinabangan ng mga maliliit na negosyo

SIM Registration Law, nakatulong para mapababa ang cybercrime; sariling cybersecurity ops center, itatatag ng PNP

Iniugnay ng Philippine National Police (PNP) sa pagsasabatas ng SIM Registration Law ang pagbaba sa bilang ng cybercrimes na kanilang naitatala. Sa briefing na ipinatawag ng House Committees on Information and Communications Technology (ICT) at Public Information ukol sa data breach kamakailan, sinabi ng PNP na nakapagtala sila ng kabuuang 64,077 cybercrime cases noong nakaraang taon.… Continue reading SIM Registration Law, nakatulong para mapababa ang cybercrime; sariling cybersecurity ops center, itatatag ng PNP

DMW, tiniyak na tutulungan ang mga OFW na may unpaid claims sa Saudi employers na hindi pa nakatatanggap ng kanilang benepisyo

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na tutulungang makuha ng mga overseas Filipino worker ang kanilang hindi nabayarang sahod at benepisyo sa kanilang Saudi employers. Sa isang pulong balitaan, inihayag ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac na nakikipag-ugnayan na sila sa gobyerno ng Saudi para sa mga hindi pa nakatatanggap ng tseke. Dagdag pa… Continue reading DMW, tiniyak na tutulungan ang mga OFW na may unpaid claims sa Saudi employers na hindi pa nakatatanggap ng kanilang benepisyo

BFAR, target na abutin ang 100% food-fish sufficiency pagsapit ng 2028

Target ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na makamit ang 100%- food-fish sufficiency level para sa bansa sa taong 2028. Ayon kay BFAR National Director Demosthenes Escoto, nasa 92.5% ang food-fish sufficiency level ng Pilipinas, net of trade, noong 2022. Kasama sa Strategic Plan ng BFAR ang target na ito para sa 2023-2028,… Continue reading BFAR, target na abutin ang 100% food-fish sufficiency pagsapit ng 2028

‘Land dispute’ sa Nasugbu, Batangas, nalutas na ng DAR; higit 1K magsasaka, makikinabang

Naresolba na ang dekadang away sa lupa ng Roxas and Co. Incorporated at mga magsasaka sa Batangas. Ayon sa Department of Agrarian Reform, maipapamahagi na sa mga magsasaka ang nasa 1,322.23 na ektarya ng lupain sa Hacienda Palico, Banilad at Caylaway sa Nasugbu, Batangas. Resulta ito ng consolidatedoOrder ng Department of Agrarian Reform noong Disyembre… Continue reading ‘Land dispute’ sa Nasugbu, Batangas, nalutas na ng DAR; higit 1K magsasaka, makikinabang

Kamara, isusulong ang isang moderno, handa at pinahahalagahang militar

Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez sa mga militar na seryoso ang Kamara na tiyaking matatag, moderno, handa at naaalagaan ang kasundaluhan na siyang depensa ng bansa sa internal at external threats. Ginawa ng lider ng Kamara ang pahayag sa Mindanao leg ng Armed Forces of the Philippines-House of Representatives fellowship. Kabilang sa mga dumalo… Continue reading Kamara, isusulong ang isang moderno, handa at pinahahalagahang militar

Employment rate noong Disyembre ng 2023, pumalo sa 96.9%

Malaking bilang ng mga Pilipino ang nagkatrabaho sa bansa nitong Disyembre ng 2023. Batay sa pinakahuling labor force participation survey ng PSA, sumampa pa sa 96.9% ang employment rate nitong disyembre o katumbas ng milyong pilipinong may trabaho. Pinakamataas na employment rate ito na naitala sa bansa mula noong 2005. Mas mataas rin ito sa… Continue reading Employment rate noong Disyembre ng 2023, pumalo sa 96.9%

Pagbagal ng inflation, ramdam ng ilang mamimili sa Pasig City

Ramdam ng ilang mamimili sa Pasig City ang pagbagal ng inflation rate o ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin gayundin ng serbisyo. Ito, ayon sa ilang nakausap ng Radyo Pilipinas, ay dahil sa malaki ang ibinaba sa presyo ng mga gulay partikular na ang sibuyas at iba pa gayundin ng itlog.… Continue reading Pagbagal ng inflation, ramdam ng ilang mamimili sa Pasig City