Halaga ng produksyon sa agri sector, tumaas sa huling quarter ng 2023 — PSA

Naitala ng Philippine Statistics Authority ang bahagyang pagtaas sa halaga ng produksyon sa agriculture sector sa ikaapat na quarter ng 2023. Sa ulat ng PSA, lumago sa 0.7% ang production output ng sektor. Katumbas ito ng overall agri production output na P493.72 billion na mas mataas kumpara sa P490.06 billion output sa sektor sa kaparehong… Continue reading Halaga ng produksyon sa agri sector, tumaas sa huling quarter ng 2023 — PSA

QC LGU, magpapatupad na rin ng KaSSSangga Collect Program

Nakipagtulungan na rin sa Social Security System (SSS) ang Quezon City Local Government para mabigyan ng sapat na social security coverage ang kanilang mga Job Order, at mga manggagawang Contract of Service. Kasunod ito ng paglagda nina SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet at QC Mayor Joy Belmonte sa isang memorandum of… Continue reading QC LGU, magpapatupad na rin ng KaSSSangga Collect Program

“Zero tolerance” sa online robbery, inanunsyo ng ACG

Nanawagan ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) sa publiko na ipagbigay alam sa kanilang pinakamalapit na tanggapan ang mga potensyal na kaso ng “online robbery” upang agad maaksyunan. Paliwanag ni ACG Director Police Maj. General Sydney Sultan Hernia, ang online robbery ay isang uri ng “cybercrime” kung saan nakakakuha ng pera o anumang mahalagang bagay ang… Continue reading “Zero tolerance” sa online robbery, inanunsyo ng ACG

Panukala para palawigin ang prangkisa ng MERALCO, inihain sa Kamara

Itinutulak ni Albay Representative Joey Salceda na bigyan ng panigabong 25-year franchise ang Meralco. Sa ilalim ng House Bill 9793, ng mambabatas, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng Meralco na mapailawan ang malaking bahagi ng bansa kabilang na ang National Capital Region (NCR). “Electricity consumption in the Meralco franchise area already represented more than 50 percent… Continue reading Panukala para palawigin ang prangkisa ng MERALCO, inihain sa Kamara

Senado, sisimulan nang talakayin ang economic cha-cha sa Miyerkules

Ibinahagi ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na naka-schedule na sa Miyerkules ang pagtalakay ng Senado sa Resolution of Both Houses No. 6, o ang panukalang pag-amyenda sa economic provision ng Saligang Batas. Sinabi ni Ejercito na ito ay pagtupad ng Senado sa kanilang napagkasunduan sa Kamara. Ngayong hapon ay nakatakdang magkaroon ng caucus… Continue reading Senado, sisimulan nang talakayin ang economic cha-cha sa Miyerkules

Bilang ng mga cruise ship na bumisita sa Pilipinas, umabot na sa mahigit 100 — DOT

Kinumpima ng Department of Tourism (DOT) na umabot na sa higit 100 cruise ship ang bumisita sa mga isla ng Pilipinas sa nakalipas na taong 2023. Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ang mga cruise ship na ito ay dumaong sa mga cruise stop sa mga isla ng Buhawan, Cebu, Boracay, at 30 discovered island… Continue reading Bilang ng mga cruise ship na bumisita sa Pilipinas, umabot na sa mahigit 100 — DOT

Pagkilala sa Quiapo Church bilang National Shrine, ikinalugod ng Manila solon

Ikinatuwa ni Manila Representative Joel Chua ang pormal na deklarasyon sa Quiapo Church bilang National Shrine. Ayon kay Chua, pinatotohanan lamang nito ang mahalagang papel ng naturang Minor Basilica sa debosyon ng mga Katoliko sa Hesus Nazareno. Taon-taon aniya ito nakikita sa maigting na panata ng mga deboto sa kanilang pakikibahagi sa Traslacion. “My own… Continue reading Pagkilala sa Quiapo Church bilang National Shrine, ikinalugod ng Manila solon

Pamamaslang sa isang barangay kagawad sa Oriental Mindoro, iniimbestigahan na ng CHR

Nagkasa na rin ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa kaso ng pamamaslang sa isang barangay kagawad sa Calapan, Oriental Mindoro. Kinilala ang biktimang si Anacorito Bolor, o mas kilala bilang Dok Ting, 63-taong gulang na natagpuang patay at may mga saksak sa loob ng kanyang bahay sa Barangay San Vicente noong… Continue reading Pamamaslang sa isang barangay kagawad sa Oriental Mindoro, iniimbestigahan na ng CHR

Mambabatas, pinauuna ang pagtutok sa food inflation kaysa panggigipit sa power sector

Nanawagan si Senior Citizen Partylist Representative Rodolfo Ordanes na unahing tutukan ang food inflation at paglikha ng trabaho. Batay na rin ito sa resulta ng OCTA Research survey kung saan lumalabas na pangunahing concern o isyung mahalaga sa taumbayan ang food inflation. Sabi ni Ordanes bagamat karamihan sa senior citizen ay hindi na nagtatrabaho, ay… Continue reading Mambabatas, pinauuna ang pagtutok sa food inflation kaysa panggigipit sa power sector

Batac City fisherfolks, nakatanggap ng fingerlings mula sa pamahalaan

Tiniyak ng City Agriculture Office sa lungsod ng Batac na hindi napapabayaan ang mga Fisherfolks sa nasabing lugar bagamat malapit na ang buwan ng Marso na siyang pinakaramdam ang epekto ng El Niño. Ayon kay City agriculturist Mark Abad, namigay ang LGU ng nasa 850kg ng tilapia fingerlings sa 170 fisherfolks habang 50 fisherfolks naman… Continue reading Batac City fisherfolks, nakatanggap ng fingerlings mula sa pamahalaan