Liderato ng Kamara, agad inaksyunan ang apela ng ilang transport group na mapanatili ang iconic image ng tradisyunal na jeep

Tinupad ng liderato ng Kamara ang pangako na pulungin ang local manufacturer ng jeep. Matatandaan na sa pagharap ni Speaker Martin Romualdez sa grupo ng mga transport operator at jeep ay sinabi niyang hahanapan nila ng paraan na mapanatili ang iconic na disenyo ng tradisyunal na jeep. Ngayong umaga ay pinakinggan ni Romualdez, House Committee… Continue reading Liderato ng Kamara, agad inaksyunan ang apela ng ilang transport group na mapanatili ang iconic image ng tradisyunal na jeep

Insurance Commission, inatasan ng DOF na palakasin ang “Financial Products and Services Consumer Protection Act”

Inatasan ni Finance Secretary Ralph Recto ang Insurance Commission (IC) na palakasin ang ipinatutupad na “Financial Products and Services Consumer Protection Act” na siyang tutulong sa mga konsyumer na mapangalagaan ang kanilang karapatan at interes. Sa ipinadalang mensahe ni Recto sa 75th anniversary ng IC, binigyang direktiba nito ang komisyon na maging proactive na makipag-ugnayan… Continue reading Insurance Commission, inatasan ng DOF na palakasin ang “Financial Products and Services Consumer Protection Act”

BSP, masusing sinusuri ang credentials ng IMF officials na magsasagawa ng assessment sa ekonomiya ng PIlipinas

Kasalukuyang sinusuri ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang credentials ng mga ipinadalang ekonomista ng International Monetary Funds na siyang magsasagawa ng review and assesments sa ekonomiya at economic-related policies and issues ng Pilipinas. Ayon kay BSP Governor Eli Remolona, nais ng Bangko Sentral na matiyak na ang itatalagang mga kinatawan ng IMF ay may… Continue reading BSP, masusing sinusuri ang credentials ng IMF officials na magsasagawa ng assessment sa ekonomiya ng PIlipinas

Higit 300 kliyente, nabigyan ng legal assistance sa pagtutulungan ng DSWD at PAO

Umabot na sa 321 kliyente ang nabigyan ng legal assistance nitong 2023 sa pagtutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Public Attorney’s Office (PAO). Ayon kay DSWD Asst. Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, naserbisyuhan ng PAO lawyers na naka-assign sa DSWD ang may 178 walk-in clients, 124 clients na humingi… Continue reading Higit 300 kliyente, nabigyan ng legal assistance sa pagtutulungan ng DSWD at PAO

Mga upos ng sigarilyo, pinakamarami sa mga nakukuhang kalat sa lansangan sa Metro Manila — MMDA

Nangunguna ang mga cigarette butt o upos ng sigarilyo sa mga basurang madalas na itinatapon sa mga lansangan ng Metro Manila. Ito ang inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA batay sa kanilang 2023 Anti-Littering Apprehension Report. Batay sa datos, nasa halos 13,000 indibidwal o katumbas ng 79% ang nahuhuling nagtatapon ng upos ng… Continue reading Mga upos ng sigarilyo, pinakamarami sa mga nakukuhang kalat sa lansangan sa Metro Manila — MMDA

Speaker Romualdez, muling tiniyak ang suporta ng Kamara sa RBH-6 at alternatibong peoples’ initiative ng Senado

Lumiham si Speaker Martin Romualdez kay Senate President Juan Miguel Zubiri upang iparating ang suporta ng Kamara sa Resolution of Both Houses No. 6. Ang RBH-6 ay inihain ni Zubiri para magpatawag ng Constitutent Assembly bilang pamamaraan ng pag-amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas. Ani Romualdez, hinihintay lamang nila ang pagpapatibay ng Senado sa… Continue reading Speaker Romualdez, muling tiniyak ang suporta ng Kamara sa RBH-6 at alternatibong peoples’ initiative ng Senado

BOC, iginiit na kayang abutin ang target koleksyon na halos ₱1 trilyon

Binigyang diin ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang kahandaan ng customs na maabot ang halos isang trilyong pisong target collection nito o ang P959 billion para sa calendar year 2024. Ginawa ni Rubio ang pahayag matapos bumisita sa BOC ang bagong talagang secretary of finance na si Finance Secretary Ralph G.… Continue reading BOC, iginiit na kayang abutin ang target koleksyon na halos ₱1 trilyon

Pagbabayad ng buwis sa lungsod ng Maynila, pinalawig

Extended hanggang February 9 ang pagbabayad ng mga negosyante ng buwis sa lungsod ng Maynila. Ito ay matapos maisumite ni Manila Council Majority Floor Leader Ernesto “Jong” Isip, Jr., ang Resolution No. 14 series of 2024 at agad pinirmahan ni Manila Mayor Honey Lacuna. Kabilang sa sakop ng naturang resolusyon ay ang aplikasyon ng business… Continue reading Pagbabayad ng buwis sa lungsod ng Maynila, pinalawig

Disaster Response Workshop, inilunsad ng US Gov’t, AFP, at Cagayan Provincial Govt

Nakipagtulungan ang pamahalaan ng Estados Unidos sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at pamahalaang panlalawigan ng Cagayan para sa paglulunsad ng unang “Cagayan Disaster Response Training-Paghahanda 1.24 Workshop” mula Enero 23 hanggang 24 sa Anquiray, Amulung, Cagayan. Layon ng pagsasanay na mapahusay ang kapabilidad at kolaborasyon ng mga sibilyan at militar na “first responders”.… Continue reading Disaster Response Workshop, inilunsad ng US Gov’t, AFP, at Cagayan Provincial Govt

52 motorista, sinita ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation dahil sa pagdaan sa bike lane

Muling nagpaalala ang Special Action and Intelligence Committee for Transportation o SAICT sa mga motorista na iwasan ang pagdaan sa bike lane. Ito’y kasunod ng ikinasang operasyon ng SAICT sa kahabaan ng EDSA Santolan kahapon. Sa katunayan, isang Pulis na mula sa Kampo Crame ang sinita at nakipagtalo pa sa mga humuli sa kaniya ngunit… Continue reading 52 motorista, sinita ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation dahil sa pagdaan sa bike lane