Mga mangingisda sa Bicol na apektado ng gale warning, inayudahan ng DSWD

Nakapaghatid na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development sa mga mangingisdang naapektuhan ng gale warning sa Bicol region partikular sa Camarines Norte. Sa pamamagitan ng DSWD Field Office V, aabot sa 833 Family Food Packs ang naihatid sa mga mangingisda sa Barangay Polunguit at Kagtalaba sa Santa Elena, Camarines Norte. Kaugnay nito,… Continue reading Mga mangingisda sa Bicol na apektado ng gale warning, inayudahan ng DSWD

Matinding El Niño, nararamdaman na sa bansa — PAGASA

Iniulat ng PAGASA na nararamdam na ang matinding El Niño sa ilang lugar sa bansa. Batay sa inilabas na 7th ENSO advisory on El Niño ng DOST-PAGASA ngayong araw, inaasahang magpapatuloy ang matinding tagtuyot mula ngayong buwan ng Enero hanggang Pebrero 2024. Ayon sa PAGASA, karamihan ng global climate models ay nagsabi na malamang magpapatuloy… Continue reading Matinding El Niño, nararamdaman na sa bansa — PAGASA

NCIP at National Dairy Authority, lumagda ng kasunduan para mapalakas ang milk production sa bansa

Lumagda Memorandum of Agreement ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at National Dairy Authority para sa pagtatag ng stock farms sa bansa. Ang stock farms ay para sa produksyon at pagpaparami ng dairy cattle kung saan kasama din sa pasilidad ang processing facility. Ang mga indigenous cultural communities at indigenous peoples (ICCs/IPs) ang ioorganisa… Continue reading NCIP at National Dairy Authority, lumagda ng kasunduan para mapalakas ang milk production sa bansa

Quezon solon, nanawagan sa DOTr, LBP at DBP na gawing mas episyente ang kanilang pautang sa PUV modernization

Hiniling ni Quezon Rep. Reynan Arrogancia sa Department of Transportation-Office of the Transport Cooperatives, Landbank at Development Bank of the Philippines na silipin at solusyunan ang isyu ng pagkaka-default ng ilang kooperatibang nangutang para sa PUV Modernization program. Batay kasi aniya sa paglalahad ng LBP at DBP sa naging imbestigasyon ng House Committee on Transportation,… Continue reading Quezon solon, nanawagan sa DOTr, LBP at DBP na gawing mas episyente ang kanilang pautang sa PUV modernization

Mahigit 2k Informal Settler Families sa San Juan City, makikinabang sa Pambansang Pabahay

Aabot sa mahigit 2,000 hanggang 3,000 Informal Settler Families sa San Juan City ang makikinabang sa itatayong Pambansang Pabahay para sa Pilipino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito ang inihayag ni Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora matapos ang isinagawang inspeksyon sa bahagi ng F. Manalo street sa Brgy.… Continue reading Mahigit 2k Informal Settler Families sa San Juan City, makikinabang sa Pambansang Pabahay

DA Sec. Laurel Jr., nag-inspeksyon sa food terminal sa Taguig

Bumisita at nagsagawa ng inspeksyon kamakailan si Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. sa Food Terminal Incorporated (FTI) sa Taguig City. Ayon sa kalihim, bahagi ito ng kaniyang plano na pag-iinstall ng karagdagang cold storage facilities para sa high-value produce at iba pang pananim. Sa pamamagitan nito, nais nitong matugunan ang overproduction na hamon… Continue reading DA Sec. Laurel Jr., nag-inspeksyon sa food terminal sa Taguig

Relief efforts para sa mga nasunugan sa Angono, Rizal, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang relief efforts ng tanggapan ng Barangay Kalayaan, Angono, Rizal para sa mga residenteng nasunugan sa lugar kamakailan. Sa gitna ng relief efforts, nagbabala ang sangguniang barangay sa mga residente na maging alisto sa mga indibidwal na nagpapakilala bilang fire victims upang makahingi ng ayuda. Sa opisyal na pabatid ng Sangguniang Barangay ng Kalayaan,… Continue reading Relief efforts para sa mga nasunugan sa Angono, Rizal, nagpapatuloy

Halos kalahating bilyong pisong halaga ng bagong kagamitan ng PNP, iprinisenta sa Camp Crame

Pinangunahan ni Philipppine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang presentasyon at pag-bendisyon sa halos kalahating bilyong pisong halaga ng bagong kagamitan ng PNP sa Camp Crame ngayong umaga. Kasama rito ang: 143 4X2 patrol jeeps; 11 light motorcycle 150cc dirt bike; 5 heavy motorcycle 650cc; 3,243 striker fired 9mm pistol; 406… Continue reading Halos kalahating bilyong pisong halaga ng bagong kagamitan ng PNP, iprinisenta sa Camp Crame

Malabon DRRMO, may bagong rescue vehicles

Pinangunahan ngayong araw ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang turn-over ceremony para sa mga bagong mobile ng Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ng pamahalaang lungsod. Kabilang dito ang dalawang ambulansya at isang man lift truck. Isinagawa ang seremonya sa harap ng Malabon City Hall kaninang umaga na bahagi ng mga aktibidad sa pagdiriwang… Continue reading Malabon DRRMO, may bagong rescue vehicles

Makati, mamamahagi ng tulong pinansyal sa 36 na LGUs na nasalanta ng bagyo at kalamidad

Tatlumpu’t anim na munisipalidad sa Mindanao na sinalanta ng malakas na lindol at matinding pagbaha noong 2023 ang tatanggap ng ayudang nagkakahalaga ng ₱21.5-million mula sa Makati City. Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ng Makati ang paglalaan ng mula ₱250,000 hanggang sa ₱1-million para sa bawat LGU, depende sa… Continue reading Makati, mamamahagi ng tulong pinansyal sa 36 na LGUs na nasalanta ng bagyo at kalamidad