BMI Fitch Solutions, naniniwala na magkakaroon ng interest rate cut ang Pilipinas sa pangalawang bahagi ng taon

Naniniwala ang BMI Fitch Solutions Company na sisimulan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang kanilang rate cut sa pangalawang bahagi ng taon. Sa inilabas na statement ng BMI Research, ang pagluwag ng interest rate ng BSP sa second half of 2024 ay parehas sa gagawing aksyon ng iba pang sentral banks sa mundo. Base… Continue reading BMI Fitch Solutions, naniniwala na magkakaroon ng interest rate cut ang Pilipinas sa pangalawang bahagi ng taon

Pinakamalaking essential oil facility sa mundo, itatayo sa CamSur

Ibinida ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte ang pinasok na joint venture ng pamahalaang panglalawigan ng CamSur at pharmaceutical company na Iba. Sa naturang kasunduaan, itatayo ang pinakamalaking essential oil facility sa mundo sa naturang probinsya. Ayon kay Villafuerte, maliban sa itatayong planta ay magsisilbing taniman din ang kanilang probinsya ng halamang “vetiver” o mas… Continue reading Pinakamalaking essential oil facility sa mundo, itatayo sa CamSur

Pagbabayad ng Annual Registration Fee ng business taxpayers, di na oobligahin ng BIR simula sa Jan. 22

Simula sa January 22, ay hindi na kailangang magbayad ang mga business taxpayer ng Annual Registration Fee sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Batay yan sa inilabas na abiso ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. Ayon sa BIR, ito ay alinsunod sa nilagdaang Republic Act 11976 o Ease of Paying Taxes Act. Sa ilalim nito,… Continue reading Pagbabayad ng Annual Registration Fee ng business taxpayers, di na oobligahin ng BIR simula sa Jan. 22

PNP, nananatiling nakatutok sa trabaho sa gitna ng isyu ng destabilisasyon sa pamahalaan

Hindi mawawala ang pokus ng Philippine National Police sa kanilang tungkuling protektahan at pagsilbihan ang mga mamamyan. Ito ang tiniyak ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo sa gitna ng kumalat na pekeng balita na nagdamay kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa umano’y destabilization plot laban sa… Continue reading PNP, nananatiling nakatutok sa trabaho sa gitna ng isyu ng destabilisasyon sa pamahalaan

Aftershocks kasunod ng magnitude 6.7 na lindol sa Davao Occidental, nasa 67 na

Patuloy pa ring nakakapagtala ang PHIVOLCS ng mga aftershocks sa bahagi ng Davao Occidental kasunod ng tumamang magnitude 6.7 na lindol sa munisipalidad ng Saranggani kahapon. As of 7am ay umakyat na sa 67 ang naitalang aftershocks. Mula rito, 24 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon. Wala namang malakas na… Continue reading Aftershocks kasunod ng magnitude 6.7 na lindol sa Davao Occidental, nasa 67 na

Finance Chief, kumpiyansang makakamit ng administrasyon ang target na ‘unemployment rate’ sa 2028

Naniniwala si Finance Secretary Benjamin Diokno na kayang makamit ng administrasyong Marcos Jr. ang target na ‘unemployment rate’ na 4-5% o mas mababa pa sa taong 2028. Ginawa ni Diokno ang pahayag kasunod ng inilabas na “historic low unemployment rate” na 3.6% para sa buwan ng Nobyembre ng nakaraang taon. Kumpiyansa ang kalihim na patuloy… Continue reading Finance Chief, kumpiyansang makakamit ng administrasyon ang target na ‘unemployment rate’ sa 2028

Mahigit 4.3k pamilya sa rehiyon 2, nagtapos sa 4Ps

Mahigit apat na libong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa rehiyon dos ang matagumpay na nagtapos mula sa programa noong 2023. Base sa datos ng DSWD Region 2, nasa kabuuang 4,333 na pamilya ang nagtapos sa isinagawang 50 graduation ceremonies na tinaguriang “Pammadayaw na Paggradua na Pantawid Pamilya” sa buong rehiyon. Buong pagmamalaking… Continue reading Mahigit 4.3k pamilya sa rehiyon 2, nagtapos sa 4Ps

Mga senior citizen sa Navotas, makakatanggap ng ₱1,000 birthday gift mula sa LGU

Simula ngayong 2024 ay makakatanggap na ang rehistradong senior citizens sa Navotas City ng ₱1,000 birthday gift. Inanunsyo ito ni Navotas Mayor John Rey Tiangco na alinsunod sa Navotas City Ordinance No. 2023-44 o ang “Amended Birthday Cash Gift to Senior Citizens.” Ayon sa alkalde, ang hakbang ay bilang pagpapahalaga sa kontribusyon ng mga senior… Continue reading Mga senior citizen sa Navotas, makakatanggap ng ₱1,000 birthday gift mula sa LGU

Resulta ng foreign trips ni PBBM, tuloy-tuloy na nararamdaman sa gitna ng sunod-sunod ng pagsisimula ng operasyon sa bansa ng mga dayuhang mamumuhunan

Tuloy-tuloy na inaani ng bansa ang bunga ng mga naging biyahe sa abroad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, inihayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary for Communications Kim Bernardo Lokin na mayroon nang 20 mga proyekto mula sa dating investment pledges ang nagparehistro sa investment promotions agencies ng… Continue reading Resulta ng foreign trips ni PBBM, tuloy-tuloy na nararamdaman sa gitna ng sunod-sunod ng pagsisimula ng operasyon sa bansa ng mga dayuhang mamumuhunan

Pagpapalakas sa manufacturing sector at pagpasok ng foreign investment, lalo pang makapagbibigay ng trabaho para sa mga Pilipino — isang mambabatas

Welcome para kay Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang naitalang pagbaba sa unemployment rate. Batay sa pinakahuling labor force participation survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba pa sa 3.6% ang unemployment rate nitong Nobyembre ng 2023 mula sa 4.2% noong Oktubre. Aniya ito na ang pinakamababang unemployment rate mula noong April 2005. Partikular… Continue reading Pagpapalakas sa manufacturing sector at pagpasok ng foreign investment, lalo pang makapagbibigay ng trabaho para sa mga Pilipino — isang mambabatas