Digitalization ng learning resources sa basic education, target na matugunan ng DepEd at World Bank

Photo courtesy of Department of Education

Target ng Department of Education (DepEd) at World Bank na matugunan ang kakulangan sa learning resources sa basic education sa pamamagitan ng digitalization. Ito ang isa sa mga pangunahing tinalakay sa pulong ni Education Secretary Sonny Angara at mga matataas na opisyal ng World Bank Philippines. Bukod sa digitalization, tinalakay din ang early childhood development… Continue reading Digitalization ng learning resources sa basic education, target na matugunan ng DepEd at World Bank

DSWD, nagtalaga ng 219 personnel sa 166 ‘Malasakit Centers’ sa buong bansa

Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakapagpadala na ito ng 219 personnel sa may 166 Malasakit Centers sa iba’t ibang pampublikong ospital sa bansa. Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang presensya ng social workers sa Malasakit Centers ay para matiyak na mabibigyan ng mabilis at maagap na serbisyong medikal ang… Continue reading DSWD, nagtalaga ng 219 personnel sa 166 ‘Malasakit Centers’ sa buong bansa

Atty. Harry Roque, tinutugis ng special tracker teams ng PNP

Tuloy-tuloy ang paghahanap ng Philippine National Police (PNP) kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque, na ipanaaresto ng House Quad Committee. Ayon kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, bumuo ng mga special tracker team ang PNP na pinangungunahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para maipatupad ang kautusan ng Kongresso. Hindi lang aniya… Continue reading Atty. Harry Roque, tinutugis ng special tracker teams ng PNP

Mga transmission line facility ng NGCP, normal pa rin ang operasyon sa gitna ng sama ng panahon

Wala pang naapektuhang transmission lines at mga pasilidad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa gitna ng nararamdamang sama ng panahon sa ilang lugar sa bansa dala ni Tropical Depression Gener. Sa ulat ngayong hapon ng NGCP, nananatiling nasa normal ang operasyon ng lahat ng kanilang pasilidad partikular sa Northern Luzon. Gayunman, tiniyak… Continue reading Mga transmission line facility ng NGCP, normal pa rin ang operasyon sa gitna ng sama ng panahon

Sabina Shoal, hindi kontrolado ng Chinese – AFP

Binigyang diin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi kontrolado ng Chinese ang Sabina Shoal, sa kabila ng paglisan sa lugar ng BRP Teresa Magbanua ng Philippine Coast Guard (PCG). Sa pulong balitaan sa Camp Aguinado, iginiit ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, na ang… Continue reading Sabina Shoal, hindi kontrolado ng Chinese – AFP

9 baybayin sa bansa, positibo sa red tide

Patuloy pa ring pinag-iingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang publiko sa pagkain ng mga shellfish na makukuha sa siyam na baybayin na positibo pa rin sa red tide toxin. Ayon sa BFAR, kabilang sa mga apektado nito ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; coastal waters ng Daram Island, Zumarraga Island, Irong-Irong… Continue reading 9 baybayin sa bansa, positibo sa red tide

DHSUD, magtatayo ng housing project sa Surigao City

Pinaplantsa na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Surigao City Local Government ang pagtatayo ng pabahay sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Katunayan, ininspeksyon na ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar kasama ang ilang opisyal ang proposed housing site sa lungsod.… Continue reading DHSUD, magtatayo ng housing project sa Surigao City

Pagbaba ng bilang ng mga barko ng China sa WPS, dahil sa masamang panahon ayon sa AFP

Ipinaliwanag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na dala ng sama ng panahon ang dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga barko ng China sa West Philippine Sea (WPS). Ito ang inihayag ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, RAdm. Roy Vincent Trinidad kasunod ng kanilang ulat na nabawasan pa ang bilang… Continue reading Pagbaba ng bilang ng mga barko ng China sa WPS, dahil sa masamang panahon ayon sa AFP

3 sa 4 Mpox case sa Quezon City, magaling na

Kinumpirma ng Quezon City Health Department na magaling na ang tatlo sa apat nitong binabantayang kaso ng Mpox sa lungsod. Sa QC Journalists Forum, sinabi ni Sarah ConclaraMpox Surveillance ng QC Health Dept na natapos na ang isolation period at magaling na ang mga sugat ng tatlong kaso. Wala rin aniyang nahawa sa mga natukoy… Continue reading 3 sa 4 Mpox case sa Quezon City, magaling na

Ambuklao, Binga, at Magat Dam, patuloy sa pagpapakawala ng tubig

Patuloy ang pagpapakawala ng tubig ng Ambuklao at Binga Dam sa Benguet at pati na ang Magat Dam sa Isabela kasunod ng patuloy na mga pag-ulang dulot ng habagat at bagyong Gener. Sa inilabas na update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-8 ng umaga, nananatiling bukas ang tig-dalawang gate ng Ambuklao at Magat Dam habang… Continue reading Ambuklao, Binga, at Magat Dam, patuloy sa pagpapakawala ng tubig