PAGASA, di pa inirerekomenda ang class suspension sa Metro Manila dahil sa bagyong Gener

Hindi pa inirerekomenda ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Presidential Communications Office (PCO) at Office of Civil Defense (OCD) ang suspension of classes sa Metro Manila bukas, dahil sa bagyong Gener. Paliwanag ni PAGASA Weather Division Chief Juanito Galang, hindi pa gaano mararamdaman ang epekto ng bagyo sa kamaynilaan bukas. Maliban na… Continue reading PAGASA, di pa inirerekomenda ang class suspension sa Metro Manila dahil sa bagyong Gener

37 OFWs na umuwi sa Pilipinas mula Lebanon, nakatanggap ng tulong mula sa DMW

Dumating na sa Pilipinas mula sa Lebanon ang 37 overseas Filipino workers (OFW) na apektado ng lumalalang tensyon sa nasabing bansa. Kasamang dumating ng mga OFW-repatriate ang limang bata. Agad na nakatanggap ng tulong pinansyal ang mga OFW na nagkakahalaga ng P75,000 mula sa Department of Migrant Workers (DMW) AKSYON Fund. Bukod dito, tiniyak din… Continue reading 37 OFWs na umuwi sa Pilipinas mula Lebanon, nakatanggap ng tulong mula sa DMW

Tulong na binigay sa mga sinalanta ni bagyong Ferdie at pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon, higit P48.14-M na

Nakapaghatid na ng mahigit P48.14-M humanitarian aid ang Department of Social Welfare and Development sa mga pamilyang naapektuhan ni bagyong Ferdie at pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon. Kabilang sa inihatid na tulong ang mga pagkain ,mga non-food items at cash assistance. Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, may kabuuan 17,279 pamilya o katumbas ng 57,226… Continue reading Tulong na binigay sa mga sinalanta ni bagyong Ferdie at pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon, higit P48.14-M na

Traffic Ticket Management Satellite Office ng MMDA, pinasinayaan ngayong araw

Tiyak na mapadadali na ang transaksyon ng mga motorista na may kinalaman sa trapiko sa National Capital Region (NCR). Ito’y matapos pasinayaan ngayong araw ang Traffic Ticket Management Satellite Office ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ayon kay MMDA Acting Chairman, Atty. Don Artes, ang inisyatiba ay sa pakikipagtulungan ng Robinsons Land Corporation. Nagsimula ang… Continue reading Traffic Ticket Management Satellite Office ng MMDA, pinasinayaan ngayong araw

P19-M halaga ng LPG refilling equipment, nakumpiska ng CIDG

Nakumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang P19 milyong halaga ng kagamitan sa pag-refill ng LPG at mga tangke ng LPG sa operasyon sa Brgy. 163 Sta. Quiteria, Caloocan City, noong Sabado ng madaling araw. Ang operasyon ay inilunsad sa bisa ng search warrant na inisyu ng Makati Regional Trial Court Branch 148… Continue reading P19-M halaga ng LPG refilling equipment, nakumpiska ng CIDG

Singil sa mga customer ng Manila Water, tataas sa Oktubre; bababa naman sa Maynilad

Aprubado na ng Metropolitan Water and Sewerage System (MWSS) ang Foreign Currency Deposit Adjustments (FCDA) o tariff adjustment sa mga kumpanyang Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc., Sa inilabas na abiso sa publiko, sinabi ng MWSS na magreresulta ito sa mas mataas na singil para sa mga customer ng Manila Water at… Continue reading Singil sa mga customer ng Manila Water, tataas sa Oktubre; bababa naman sa Maynilad

Mas mabigat na trapiko ngayong “Ber months,” pinaghahandaan na ng MMDA

100 araw bago ang Pasko… Inilatag na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang plano para matugunan ang inaasahang mabigat na trapiko. Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes, kahit sya ay napapansin na ang dumadaming sasakyan lalo na sa mga pangunahing kalsada. Kaugnay nito, nasa proseso na sila ng pakikipag usap sa… Continue reading Mas mabigat na trapiko ngayong “Ber months,” pinaghahandaan na ng MMDA

Dagdag sweldo sa mga manggagawa sa pribadong sektor para sa Calabarzon at Central Visayas, inaprubahan

Inaprubahan ng Regional Tripartite and Productivity Board ang dagdag sweldo sa minimum wage ng mga manggagawa ng Calabarzon at Central Visayas. Inanunsyo ng Wage Board ang dagdag na P21 hanggang P75 kada araw para sa Region 4A at P33 to P43 a day sa Central Visayas. Dahil sa dagdag sweldo sa CALABARZON, magiging P425-P560 na… Continue reading Dagdag sweldo sa mga manggagawa sa pribadong sektor para sa Calabarzon at Central Visayas, inaprubahan

Navotas solon, nagpasalamat kay PBBM sa pagpapaabot ng tulong sa mga mangingisda sa lungsod

Ipinaabot ni Navotas Representative Toby Tiangco ang pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hindi lang sa pag-bisita sa kanilang lungsod ngunit lalo sa pagpaaabot ng tulong sa may 3,682 na mangingisda. Aniya, saksi ang mga Navoteño na sa dalawang taon pa lamang ng administrasyong Marcos, napakarami na ng naipaabot na tulong sa kanilang mga… Continue reading Navotas solon, nagpasalamat kay PBBM sa pagpapaabot ng tulong sa mga mangingisda sa lungsod

Unang printer na gagamitin para sa pag-imprenta ng balota sa 2025 Midterm elections, dinala na sa NPO

Naideliver na ng Miru System Company Limited sa National Printing Office ang isang HP Printer na gagamitin para sa paggawa ng mga balota sa 2025 Midterm election. Kaninang umaga, pormal na tinanggap ng NPO sa Edsa Quezon City ang nasabing makina. Unang makina pa lamang ito at nakatakdang ideliver ng Miru System Company Limited ang… Continue reading Unang printer na gagamitin para sa pag-imprenta ng balota sa 2025 Midterm elections, dinala na sa NPO