PCG, nakilahok sa pagbibigay-tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng Bulkang Kanlaon

Nakikiisa na rin ang Philippine Coast Guard District Southern Visayas (PCGDSV) sa humanitarian mission na isinasagawa para sa mahigit 6,800 pamilya na naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon. Isinagawa ang misyon noong ikalawa ng Enero 2025 sa ICP Municipal Hall, La Castellana, Negros Occidental, at Camp 5 sa Panubigan Elementary School, Canlaon City, Negros Oriental.… Continue reading PCG, nakilahok sa pagbibigay-tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng Bulkang Kanlaon

SC, bubuksan na ang aplikasyon para sa 2025 Bar Examinations sa darating na Enero 8

Muling ipinaalala ng Korte Suprema na magbubukas na ang aplikasyon para sa 2025 Bar Examinations mula Enero 8 hanggang Marso 17, 2025. Ayon sa SC, kailangang magparehistro ang mga bagong aplikante, dating kumuha ng Bar Exams, at mga refresher sa kanilang online platform na BARISTA sa https://portal.judiciary.gov.ph. Dapat kumpletuhin ayon sa SC ang profile, punan… Continue reading SC, bubuksan na ang aplikasyon para sa 2025 Bar Examinations sa darating na Enero 8

Navotas City Agriculture Office, mamimigay ng libreng lambat sa mga mangingisda sa Navotas

Mahigit 800 na qualified registered boat owners sa Navotas ang pagkakalooban ng libreng lambat ng Navotas City Agriculture Office. Sa abiso ng Navotas City Local Government, matatanggap ng mga mangingisda ang libreng lambat sa Enero 15 ng umaga. Gagawin ang pamamahagi nito sa Navotas Sports Complex. Bago ang nasabing schedule, kailangan munang kunin ng mga… Continue reading Navotas City Agriculture Office, mamimigay ng libreng lambat sa mga mangingisda sa Navotas

DOH, naitala ang unang kaso ng ligaw na bala sa pagsalubong ng Bagong Taon

Naitala na ng Department of Health (DOH) ang unang kumpirmadong kaso ng ligaw na bala sa pagsalubong ng Bagong Taon. Sa ulat ng DOH, isang 19-anyos na lalaki mula Davao del Norte ang nasawi matapos tamaan ng bala habang nagsasaya sa labas ng kanilang tahanan. Sa ngayon, tatlo na ang kabuuang bilang ng mga nasawi… Continue reading DOH, naitala ang unang kaso ng ligaw na bala sa pagsalubong ng Bagong Taon

PRC, maglalatag ng 17 First Aid Stations sa ruta ng Translacion ng Black Nazarene

15 first aid stations ang itatayo ng Philippine Red Cross sa ruta ng Translacion ng Black Nazarene sa Maynila sa susunod na linggo. Bukod pa rito ang 500 Red Cross volunteers at staff na ikakalat mula sa Quirino Grandstand hanggang Quiapo. Ayon kay PRC Chairperson at CEO Richard Gordon, mismong mga doktor at nurse ang… Continue reading PRC, maglalatag ng 17 First Aid Stations sa ruta ng Translacion ng Black Nazarene

AFP, magpapakalat ng mga sundalo sa kapistahan ng itim na Nazareno

Mahigit 1000 na sundalo mula sa Philippine Army, Marines, at Navy ang idedeploy ng Armed Forces of the Philippines sa Kapistahan ng Black Nazarene sa Maynila. Ayon kay Col. Romel Recinto, Deputy Commander ng Joint Task Force NCR, katuwang ang AFP sa pagbibigay ng seguridad sa Translacion ng Black Nazarene. Partikular na babantayan ng mga… Continue reading AFP, magpapakalat ng mga sundalo sa kapistahan ng itim na Nazareno

Pansamantalang pagsuspinde ng contribution hike sa SSS, ipinanawagan

Nanawagan ang dating Pangulo at CEO ng Social Security System (SSS) na si Rolando Ledesma Macasaet, sa pansamantalang pagsuspinde sa contribution hike sa SSS. Sa isang pahayag, nilinaw ng kinatawan ng SSS-GSIS Pensyonado Partylist na walang kahit isang sentimo mula sa SSS ang inilagak sa Maharlika Fund. Kasunod ito ng mga ulat na ang pagtaas… Continue reading Pansamantalang pagsuspinde ng contribution hike sa SSS, ipinanawagan

US Embassy sa Maynila, sarado sa Enero 9

Sarado ang U.S. Embassy sa Maynila sa darating na Huwebes, Enero 9, 2025, alinsunod sa EO na inilabas ni U.S. President Biden, bilang pagkilala kay former US President James Earl Carter Jr., na namayapa noong Disyembre 29, 2024. Dahil dito, kanselado ang lahat ng visa interviews at American Citizens Services appointments na nakatakda sa nasabing… Continue reading US Embassy sa Maynila, sarado sa Enero 9

BSP, inilunsad ang isang website para sa kauna-unahang Philippine polymer banknote series

Inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang isang website na nagbibigay impormasyon ukol sa kauna-unahang polymer banknote series ng bansa na ipinakilala nito sa publiko at kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kamakailan lamang. Ayon sa BSP, layunin nitong magbigay ng detalyadong impormasyon tungkol sa bagong polymer banknotes na unang nakita ng publiko sa… Continue reading BSP, inilunsad ang isang website para sa kauna-unahang Philippine polymer banknote series

Free Trade Agreement sa pagitan ng Pilipinas at South Korea, welcome para sa DFA

Malugod na tinanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapatupad ng Free Trade Agreement (FTA) sa pagitan ng Pilipinas at Republic of Korea na naging epektibo noong ika-31 ng Disyembre 2024. Ayon sa DFA, ang landmark agreement na ito ay mahalagang hakbang sa patuloy na paglago ng relasyon ng dalawang bansa sang-ayon na rin… Continue reading Free Trade Agreement sa pagitan ng Pilipinas at South Korea, welcome para sa DFA