Lalaking nasabugan ng kwitis, karagdagan sa bilang ng mga nasawi dahil sa paputok ngayong Bagong Taon

Umakyat na sa apat ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa pagsalubong ng Bagong Taon, ayon sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) ng mga firecracker-related injuries. Pinakabagong biktima ang isang 54-ayos na lalaki mula sa Region 4A matapos masabugan ng kwitis. Nagdulot ito ng matinding pinsala sa kanyang kaliwang kamay at kalaunan ay… Continue reading Lalaking nasabugan ng kwitis, karagdagan sa bilang ng mga nasawi dahil sa paputok ngayong Bagong Taon

Manila LGU, pananagutin ang kinontratang garbage collector na nagpabaya sa trabaho noong holiday season

Pananagutin ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang dating garbage collector na Leonel Waste Management Corporation matapos abandonahin nito ang tungkulin sa kasagsagan ng holiday season. Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, tumaas ng 400% ang dami ng basura sa lungsod nitong Pasko at Bagong Taon pero ayon sa Mayora, biglaang inabandona ng dating contractor… Continue reading Manila LGU, pananagutin ang kinontratang garbage collector na nagpabaya sa trabaho noong holiday season

Mga deboto ng Nazareno, patuloy sa pagpunta sa Simbahan ng Quiapo ngayong unang Linggo ng taon; mga nagtitinda sinamantala ang dagsa ng mga tao

Patuloy ang dagsa ng mga deboto ng Poong Nazareno sa Simbahan ng Quiapo, ngayong unang Linggo ng taon, ilang araw bago ang Kapistahan sa Enero 9. Sa kabila ito ng tirik ng araw at siksikan, lalo na tuwing pagtatapos ng misa, kung saan nagbabasbas sa loob at labas ng simbahan, di alintana ng mga deboto… Continue reading Mga deboto ng Nazareno, patuloy sa pagpunta sa Simbahan ng Quiapo ngayong unang Linggo ng taon; mga nagtitinda sinamantala ang dagsa ng mga tao

Bilang ng mga road traffic incidents, nadagdagan pa ngayong araw, ayon sa tala ng DOH

Umabot na sa bilang na 656 ang mga insidente sa kalsada na naitala ng Department of Health (DOH) mula sa 8 pilot sites nito magmula Disyembre 22, 2024, hanggang 6:00 AM ngayong Linggo, Enero 5, 2025. Para sa ngayong araw, 18 bagong kaso ang nadagdag, na katumbas ng 32.7% na pagtaas kumpara sa parehong panahon… Continue reading Bilang ng mga road traffic incidents, nadagdagan pa ngayong araw, ayon sa tala ng DOH

DA chief, nagpasalamat sa mga importer at PNP dahil nailapit ang murang bigas sa mga consumer

Pinasalamatan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang rice millers, importers at Philippine National Police (PNP) sa kanilang suporta para maibigay ang mas abot-kayang presyo ng bigas sa mga consumer. Sa kanyang pakikipagpulong sa rice importers, pinuri ng kalihim ang rice millers at importers sa kanilang aktibong papel sa pagsuporta sa KADIWA ng Pangulo Rice-for-All rolling… Continue reading DA chief, nagpasalamat sa mga importer at PNP dahil nailapit ang murang bigas sa mga consumer

4% annual increase sa buwanang bayad sa renta sa bahay, ibinaba na sa 2.3% – DHSUD

Ibinaba na ng Department of Human Settlements and Urban Development ang taunang pagtaas ng buwanang bayad sa renta ng mga residential units sa buong bansa. Epektibo mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2025 ay 2.3% na lamang ang maaring idagdag na pagtataas ng mga may-ari ng paupahang bahay. Mas mababa ito mula sa dapat ay… Continue reading 4% annual increase sa buwanang bayad sa renta sa bahay, ibinaba na sa 2.3% – DHSUD

PNP, tiniyak ang mahigpit na seguridad para sa Translacion 2025

Ipinag-utos na ng Philippine National Police ang pagpapatupad ng security measures para sa Translacion ng Poong Hesus Nazareno sa Maynila. Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, nakipag-ugnayan na ang PNP sa mga local government units, religious organizations, at iba pang kaukulang ahensiya ng gobyerno para sa comprehensive security plan. Handa na rin aniya… Continue reading PNP, tiniyak ang mahigpit na seguridad para sa Translacion 2025

EcoWaste Coalition, hinikayat ang mga deboto ng Black Nazarene na iwasan ang pagkakalat ng basura

Umapela sa mga deboto ng Black Nazarene ang Ecowaste Coalition na huwag magkalat ng basura sa Traslacion sa Maynila. Ang panawagan ay ginawa ng environmental group dahil sa inaasahang dagsa ng tao sa Quirino Grandstand at Quiapo. Ayon kay EcoWaste Coalition Zero Waste Campaigner Ochie Tolentino, nakagawian na tuwing pagdiriwang ng pista ng Itim na… Continue reading EcoWaste Coalition, hinikayat ang mga deboto ng Black Nazarene na iwasan ang pagkakalat ng basura

BuCor, sinuspinde ang ilang tauhan nito matapos ang naganap na stabbing incident sa loob ng Bilibid

Sinuspinde ng Bureau of Corrections (BuCor) ang ilang tauhan nito kasunod ng naganap na insidente ng saksakan sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, na ikinasawi ng isang person deprived of liberty (PDL) at ikinasugat ng dalawa pa. Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., apat na personnel ng… Continue reading BuCor, sinuspinde ang ilang tauhan nito matapos ang naganap na stabbing incident sa loob ng Bilibid

National Museum of the Philippines, araw-araw nang bukas sa mga nais bumisita ngayong 2025

Simula ngayong 2025, araw-araw nang bukas ang National Museum of the Philippines para sa lahat ng nais bumisita rito. Ayon sa pahayag ng National Museum sa isang Facebook post, bukas na ang kanilang Central Complex sa Maynila at mga Regional Component Museums sa buong bansa pitong araw sa isang linggo, at mananatiling libre pa rin… Continue reading National Museum of the Philippines, araw-araw nang bukas sa mga nais bumisita ngayong 2025