Tutol ang grupong Courage sa panukalang rightsizing ng gobyerno dahil tatamaan anila nito ang mga maliliit na kawani ng pamahalaan.
Sa ginawang consultative meeting sa Senado para sa Rightsizing Bill, pinahayag ni Courage Secretary General Manuel Baclagon na hindi sila naniniwalang bloated ang burukrasya.
Tanong rin ng grupo, bakit ang pagbabawas ng mga empleyado, lalo na ng mga rank and file employees, ang unang naiisip para makatipid ang pamahalaan.
Kung sakali, bakit hindi aniyang matataas na posisyon ang bawasan.
Pinahayag naman ni Senate President Chiz Escudero na balak niyang maghain sa lunes ng substitute bill ang Senado para sa panukalang rightsizing ng gobyerno.
Ayon kay Escudero, nais niyang malinaw sa panukala na ang totoong ibig sabihin ng rightsizing ay isaayos ang gobyerno at bumuo din ng mga bagong posisyon at opisina sa pamahalaan.
Isasaayos rin aniya ng niya sa substitute bill ang mga isyu sa kasalukuyang rightsizing bill. | ulat ni Nimfa Asuncion