Marcos Administration, sisiguruhing mananatili ang Pilipinas sa white list ng Int’l Maritime Organization

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatutok ang pamahalaan sa pagpapabuti pa ng Maritime Industry ng Pilipinas, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programa at polisiya para dito.

Ang pagpasok ng bansa sa white list ng International Maritime Organization noong 2024, isa sa mga milestone ng transportation sector ng Marcos Administration noong nakaraang taon.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na gagawin nila ang lahat upang mapanatili ng Pilipinas ang pwesto nito sa listahan.

Malaking bagay kasi aniya ang white list position ng bansa, dahil sa oras na mawala ito, hindi na kikilalanin ng ibang bansa ang sertipikasyon na inilalabas ng MARINA sa Filipino seafarers, na magreresulta sa pagkawala ng trabaho ng mga ito.

Sabi ng kalihim, pagkaupo pa lamang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pwesto, isa sa mga tinututukan nito ay ang pagtugon sa isyu ng Maritime Industry ng bansa.

“Natutuwa sila dahil nagkaroon sila ng audit noon December and nakita nila ang improvements na na-implement ng ating gobyerno. Noong March, 2023, sinulatan nila tayo, they will continue to include us in the white list.” —Bautista

Malaki na aniya ang naging improvement ng industriya, lalo’t sa kasalukuyan ang Pilipinas ang isa sa pinakamalaking supplier ng marino sa buong mundo.

“Ang ating mga seafarers, they contribute up to eight billion dollars sa ating economy per annum.” —Bautista | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us