Nagkasa ng Operation Timbangan ngayong araw ang Valenzuela LGU katuwang Department of Trade and Industry (DTI) para tuluyang sirain ang mga timbangang depektibo at hindi pasado sa standards pagdating sa tamang sukatan.
Isinagawa ang aktibidad sa palengke ng Karuhatan sa naturang lungsod na sinaksihan ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian.
Winasak dito ang nasa 130 palyadong timbangan na nakumpiska ng LGU.
Layon ng hakbang na masigurong mananatiling patas at tapat ang pagnenegosyo sa mga palengke sa lungsod.
Target din dito na maprotektahan ang karapatan ng mga mamimili, maitaguyod ang transparency sa mga transaksyon sa merkado, at mapalakas ang patas na mga gawi sa negosyo sa loob ng lungsod.
Kasunod nito, ipinaalala naman ni Mayor Gatchalian sa mga nagtitinda sa palengke ang umiiral na ordinansa sa lungsod kung saan mapapanagot ang mga nagtitinda na nandadaya ng timbangan. | ulat ni Merry Ann Bastasa
Valenzuela LGU