National Election Monitoring Action Center sa Camp Crame, binuksan na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang binuksan ang National Election Monitoring Action Center (NEMAC) sa Camp Crame ngayong araw.

Ito ay bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na Halalan 2025 sa Mayo.

Pinangunahan nina Commission on Elections (COMELEC) Chairperson George Erwin Garcia, Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil, at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang pagbubukas ng naturang pasilidad.

Ayon kay Chairperson Garcia, maaga ang ginawang paghahanda ng Comelec, PNP, at AFP para sa darating na eleksyon.

Nagsagawa rin ng pulong balitaan kung saan kabilang sa natalakay ang 403 na mga lugar na isinailalim sa ‘areas of concern,’ at ang mga lugar na lalagyan ng mga check point ng PNP.

Ang NEMAC ay magsisilbing sentro para ma-monitor ang lahat ng aktibidad sa polling centers sa buong bansa.

Bahagi ng mga hakbang na ito ang pagpapalakas ng seguridad upang masiguro ang maayos at ligtas na proseso ng eleksyon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us