Hiniling ni Navotas Rep. Toby Tiangco na maipatupad sa buong bansa ang “Walang Gutom” Kitchen program ng DSWD upang matugunan ang kagutuman lalo na sa mga underserved communities.
Suportado aniya niya ang napakagandang programa na ito ng DSWD na tumatalima sa direktiba ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na labanan ang kagutuman at kahirapan sa buong bansa.
Ayon sa DSWD, higit 10,000 indibidwal ang nakabenepisyo sa hot meals at masustansyang pagkain mula nang ilunsad ang programa noong Dec. 16, 2024.
Malaki aniya ang potensyal ng programa na maiangat at mapagbuti amg kalagayan mga mahihirap na komonidad sa bansa.
Bukod sa gutom, tinutugunan din aniya nito ang problema ng food wastage. | ulat ni Kathleen Forbes