Nanindigan ang NGCP na tumatalima sila sa internal procedures na nakapaloob sa Philippine Grid Code.
Ayon kay NGCP Assistant Vice President for System Operation Clark Agustin, ang NGCP ay Filipino-led company at wala ring katotohanan na may isang buton na maaaring gamitin para pabagsakin o putulin ang power grid ng bansa.
Katunayan, mayroon aniyang sariling control ang Luzon, Visayas at Mindanao.
Pinawi rin ni Agustin ang pangamba sa mga China-made equipment na ginagamit ng NGCP.
Aniya pinahintulutan ng gobyerno na maging technical partner ang China.
Sabi pa niya, 60% o mayorya ng shares ng NGCP ay pagmamay ari ng mga Pilipino particular ng Monte Oro Grid Resources Corporation at Calaca High Power Corporation
Samantalang 40% naman ang hawak ng State Grid Corporation of China na pasok sa itinatakda ng batas patungkol sa foreign investors. | ulat ni Kathleen Forbes