Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Budget and Management (DBM) na ibalik ang tinapyas na P400-M branding budget ng Department of Tourism (DOT).
Sa pulong sa Malacañang, sinabi ng pangulo na kailang mapanatili ang momentum na una nang nakamit ng DOT.
Ang pondo aniya para sa branding ng tanggapan, maaaring hugutin mula sa contingency fund ng Office of the President (OP).
“Restore the P400-M branding budget of DOT to sustain the momentum,” -Pangulong Marcos.
Sabi ng pangulo, malakas ang ginawang simula ng Pilipinas sa pagpapatatag ng imahe nito sa international stage, na sinabayan pa ng mga bumidang talento ng Pilipino na nagpakilala lalo sa Pilipinas sa ibang mga bansa.
“All of these things that our people are doing that is great for the Philippines. And then we’re still living off the wonderful performance of Filipino health workers during Covid. Hindi na makakalimutan ‘yon,” -Pangulong Marcos.
Halimbawa ang two-time gymnastics world champion na si Carlos Yulo at and The Voice US champ na si Sofronio Vasquez.
Sabi ng pangulo, hindi ngayon ang panahon upang mawala ang momentum ng Pilipinas, at dapat mas suportahan ang DOT sa ginagawa nitong pagpapakilala sa bansa, at panghihikayat ng mas maraming bisita papasok ng Pilipinas.
“We have to maintain the momentum. There is already momentum. It doesn’t hurt that we have people like Sofronio winning The Voice and that we had Caloy Yulo winning the Olympics,” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan