Tinutugis na ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga may-ari ng isang Liquified Petroleum Gas (LPG) refilling station sa Caloocan City.
Ito’y makaraang salakayin ng CIDG Regional Field Unit – NCR ang naturang LPG refilling station na pagmamay-ari ng Pyro LPG Corporation sa Brgy. Sta. Quiteria sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay CIDG Director, Police Maj. Gen. Nicolas Torre III, huli sa akto ang iligal refilling ng LPG tank matapos salakayin ng mga awtoridad ang naturang planta.
Doon, naaresto ang walong indibiduwal kabilang na ang company driver habang nakatakas naman ang kanilang mga amo.
Hawak na sila ngayon ng CIDG-NCR sa Kampo Crame kung saan, inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga ito. | ulat ni Jaymark Dagala
