Pinaigting pa ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang BEAT dengue campaign sa gitna ng tumataas na kaso nito sa bansa.
Ipinaliwanag ng PRC na ang BEAT ay nangangahulugang:
-Break breeding sites o pagsira sa mga pinamumugaran ng lamok
-Educate the community o pagpapakalat dengue-related communication materials
-Assist dengue patients and hospitals o pagtulong sa mga pasyente at ospital sa paggamit ng ambulansya, pagbibigay ng dugo at medical tents at
-Trace dengue hotspots area o pagtukoy sa mga lugar na may mataas na kaso ng dengue
Ayon kay PRC Secretary General Dr. Gwen Pang, nakapagsagawa na ang 15 chapters ng PRC ng mga community-level dengue prevention activities para sa pag-iwas sa dengue. Tulad na lamang ng pagbibigay ng information materials at paglulunsad ng clean-up drives sa 24 na iba’t-ibang lugar sa bansa.
Samantala, tiniyak ng PRC na may sapat silang suplay ng dugo para sa mga pasyenteng may dengue.
Hinikayat din nila ang publiko na tumawag sa PRC hotline 1158 para sa mangangailangan ng tulong. | ulat ni Diane Lear