Mahigpit na ipagbabawal ng Jesus Miracle Crusade International Ministry ang anumang gawaing politikal sa gagawin nilang aktibidad sa Quirino Grandstand, Maynila sa Linggo.
Ayon kay Beloved Fillmore Awas ng Jesus Miracle Crusade, nakatutok lamang sa ika-50 taong anibersaryo ang kanilang isasagawa.
Bagamat welcome ang sinumang politiko na magtungo sa kanilang gawain sa Linggo, pero hindi naman nila papayagan na gamitin ang kanilang pagtitipon para sa pangangampanya.
Mas bibigyang halaga ng kanilang pagtitipon ang mga himala ng Diyos para sa mga napagaling na mga maysakit, spiritual advice, at maraming iba pa.
Mas kailangan daw ng bansa ngayon ang sabayang panalangin upang magkaroon ng himala sa problemang kinakaharap ng mga mamamayan ng Pilipinas. | ulat ni Mike Rogas