Naghain ng reklamo sa City Prosecutor’s Office ng Caloocan City si 2nd District Representative Mitch Cajayon laban kay dating Rep. Edgar Erice.
Ito ay may kinalaman sa umano’y pambabastos sa pagka-babae ni Rep. Cajayon, matapos sabihin ni Erice sa isang caucus ng kanyang mga lider ang mga malalaswang salita.
Kabilang na dito ang umano’y pagbubutas niya ng bangko sa Kongreso, pamamahagi ng ayuda at pagpapalaki ng dibdib ng mambabatas.

Sabi ni Cajayon, below the belt na ang mga banat ni Erice at nakakayurak na ng kanyang pagka-babae.
Sumama rin ang mga Barangay Captains ng District 2 ng Caloocan para ipakita ang suporta kay Congw. Mitch Cajayon.
Humihingi ng P100 milyong na danyos si Cajayon laban kay Erice.
Si Erice ay una ng dinis-qualify ng Commission on Elections bilang kandidato ng 2nd District Representative ng Caloocan City, matapos ang pagpapakalat niya ng mga malisyoso at mapanirang akusasyon laban kay Chairperson George Erwin Garcia.
Sinusubukan pang kunin ng Radyo Pilipinas ang panig ng dating kinatawan. | ulat ni Michael Rogas