Pumalo sa P7.41-M na halaga ng benepisyo ang naibaba ng National Government sa 2, 471 beneficiaries ng AICs sa Laguna. Habang P1.12-M para sa TUPAD payout.
Ayon kay Communications Usec Claire Castro, bahagi ito ng mga programa sa ilalim ng Trabaho at Serbisyong Medikal sa Bagong Pilipinas, na inilungsad sa Cavite at Laguna.
Base sa datos, nasa 45 indibiwal ang hired on the spot, sa Biñan.
Nasa 69 naman ang agad na nakakuha ng trabaho sa Dasmariñas.
Ayon sa opisyal, mayroon pang available na 4, 120 na trabaho sa Cavite, habang 4, 282 naman sa Laguna. | ulat ni Racquel Bayan