Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng ‘warm and dry season’ o panahon ng tag-init sa bansa.
Sa inilabas na pahayag ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando, kinumpirma nito ang pagtatapos ng northeast monsoon o pag-iral ng ‘amihan’.
Ayon sa PAGASA, maaaring makaranas pa rin ng paminsan-minsang pag-ihip ng amihan ngunit sa Extreme Northern Luzon na lamang.
Sa pagpasok naman ng tag-init, unti-unting mararamdaman ang maalinsangang panahon sa buong bansa, pero posible pa rin ang pagkakaroon ng localized thunderstorms.
Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na iwasan ang heat stress at uminom ng maraming tubig. | ulat ni Merry Ann Bastasa