Nilinaw ng International Monetary Fund (IMF) na ang kanilang ulat hinggil sa kakayahan ng Department of Finance (DOF) sa macro-fiscal forecasting na isinagawa pa noon 2023 na hindi sinasadyang nailathala nitong Marso 28 – dalawang taon matapos itong isagawa.
Ang naturang Scoping Mission ng IMF para sa Macroeconomic Frameworks Technical Assistance (TA) ng Pilipinas ay isinagawa noong 2023.
Ito ay sa kahilingan mismo ng DOF, bilang bahagi ng pagsusumikap nitong palakasin at paunlarin ang kakayahan sa pagbuo ng mga projection para sa mga macroeconomic variable na kritikal sa pagbalangkas ng mga polisiya sa kita, pananalapi, at ekonomiya.
Ito ay bahagi ng mas malawak na adhikain ng kagawaran na paigtingin ang kakayahan nito sa paggawa ng matibay at epektibong mga polisiya.
Ayon sa kagawaran sa paglipas ng panahon, taglay ng DOF ang mga kinakailangang kasangkapan upang maisakatuparan ang mandato nito na magsagawa ng epektibong revenue mobilization, fiscal consolidation, at itaguyod ang inklusibong pag-unlad ng ekonomiya.
Kabilang sa ginagamit nitong mga forecasting model ang Comprehensive Adaptive Expectations Model (CAEM), elasticity-based revenue forecasting model, Computable General Equilibrium (CGE) model, at iba’t ibang microsimulation models na ginagamit sa pagtaya ng epekto ng mga patakaran sa ekonomiya at buwis. | ulat ni Melany V. Reyes