Hindi na South China Sea kundi West Philippine Sea na ang makikita sa mapa online o Google maps sa Scarborough o Panatag Shoal.
Matatandaan base sa Permanent Court of Arbitration (PCA) sa The Hague, pasok sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ang Ayungin Shaol, Spratlys Islands, Mischief Reef, at Reed Bank.
Ang nabanggit na karagatan ay inaangkin ng China.
Samantala, noong 2013 tinawag na West Philippine Sea ang kanlurang bahagi ng karagatang sakop ng Pilipinas sa bisa ng Administrative Order ni dating Pangulong Noynoy Aquino. | ulat ni DK Zarate