Makikipagsabayan muli sa digital space ang dating kilalang social networking platform na Friendster matapos ang mahigit isang dekada.
Sa pagbabalik nito, ipinapakilala ang 2026 version ng platform na nakatuon sa mas simple, mas personal, at mas ligtas na online connections.
Kabilang sa mga bagong feature ang “Friends Only” feed kung saan tanging real-life friends lamang ang makikita, at wala ng “suggested strangers” sa user feed.
Ipinagmamalaki rin ng platform ang ad-free experience, walang algorithm-driven feed manipulation, at mahigpit na proteksyon laban sa bots, spam, at kahina-hinalang accounts. Pagtitiyak pa ng Friendster na hindi nito ibebenta ang data ng kanilang online users.
Gamit naman ang bagong “tap-to-connect” feature ng Friendster ay mas madaling magdagdag ng friends sa pamamagitan lamang ng paglapit ng kanilang devices.
Sa kasalukuyan, ang Friendster app ay available pa lamang para sa iOS users.