Nananatili at buo ang commitment ng pamahalaan na matulungang makaahon muli ang mga pamilyang nagdadalamhati dahil sa malagim na insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban na ikinasawi ng tatlong estudyante.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, higit sa pakikiramay, nagbigay ng direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na matulungan ang pamilya ng mga biktima, gayundin ang iba pang mga estudyante at gurong naapektuhan ng nasabing insidente.
Hindi lamang pinansiyal na tulong ang hatid ng pamahalaan kundi maging isang bisig na aalalay sa pagharap sa pighating dinaranas ng mga biktima ng pamamaril.