Binigyang-diin ni US Secretary of State Marco Rubio na walang kahit na anong bansa maski pa ang Iran ang may karapatang magtakda o maningil ng toll o transit fee sa mga barkong dadaan sa Strait of Hormuz.
Ayon kay Rubio, malinaw na ang Strait of Hormuz ay itinuturing na International Waterway dahilan para maging libre itong daanan ng kahit na sinong bansa o mga water vessel.
Lumutang ang usapin kasunod ng pinirmahang preliminary peace deal ng Estados Unidos at Iran kung saan nakasaad ang safe passage ng mga sasakyang pandagat sa Strait of Hormuz ng walang bibayarang anomang toll fee sa loob ng animnapung araw. | via Eph Gaytos
🎥US State Department