Mahigpit na babantayan ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagpapatupad ng liquor ban sa lungsod sa Lunes, July 27, kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon sa QCPD, epektibo ang liquor ban mula 12:01 a.m. hanggang 6:00 p.m., alinsunod sa Executive Order No. 24, Series of 2026 na inilabas ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Dahil dito, pinaalalahanan ng QCPD ang mga may-ari ng negosyo, liquor retailers, restaurant operators na sumunod sa ipinatutupad na liquor ban.
Giit ng QCPD, sinumang lalabag ay maaaring maharap sa kaukulang parusa batay sa umiiral na mga batas at lokal na ordinansa.
Maging ang mga residente ay hinikayat ding sumunod sa mga batas at regulasyong ipinatutupad ng LGU matiyak ang isang mapayapa, maayos, at ligtas na pagdaraos ng SONA 2026.
“Sa lahat ng QCitizens, please be guided by the laws, rules and regulations being implemented by the city government upang maiwasan ang anumang kaguluhan at maisakatuparan ng payapa, maayos, at ligtas ang magaganap na SONA 2026.”