Photo courtesy of Bongbong Marcos
Positibo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mahahabol at malalampasan pa ng pamahalaan ang public spending nito noong huling quarter ng 2025, lalo’t ang pinalakas na paggastos ng gobyerno ay nagpapalakas din sa economic activity at sumusuporta sa paglago ng bansa.
Ayon sa pangulo, batid ng administrasyon na nagkaroon ng delay sa paggastos ng pamahalaan dahil sa mga ginawang review sa national budget.
“But again, in terms of public spending, we are pretty much on current in terms of our scheduling. And we will be, I am confident we will be able to catch up and exceed the year-on-year public spending by the last quarter of this year,” -Pangulong Marcos Jr.
Sabi ng pangulo, upang matugunan ang mga delay na ito, nagpatupad ng mga hakbang ang gobyerno, para mapabilis ang pag-gastos nito.
“That is what happened. That’s why it delayed the public spending… Now, public spending has now, we have taken very many measures to accelerate the rate of public spending,” -Pangulong Marcos.
Katunayan ayon sa pangulo, sa pagtatapos pa lamang ng second quarter ng 2026, nasa 7% na lamang ang kailangan habulin ng pamahalaan, sa usapin ng public spending.
At makakaamtan aniya ito ng administrason sa pagtatapos ng taon.
“As of the end of the second quarter of this year, we are only at a shortfall of about 7 percent year on year in terms of public spending… We will make that up for the rest of the year,” -Pangulo Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan