Nilinaw ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office na wala pang naaarestong indibidwal kaugnay ng naganap na pamamaril sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha.
Ayon kay Maguindanao Provincial Police Spokesperson PMaj. Giuseppe Tamayo, pansamantalang humupa ang tensyon kaninang hapon, ngunit muling nagpaputok ang isang armadong grupo. Pinaniniwalaang kabilang ang mga ito sa 105th Base Command ng MILF, bagay na patuloy pang kinukumpirma ng mga awtoridad.
Dagdag pa ng opisyal, nagpapatuloy ang palitan ng putok sa lugar na nakatutok na sa municipal compound sa Barangay Nabundas, kung saan naka-defensive position ang puwersa ng pulisya at militar.
Sa ngayon, inaalam pa ng PNP ang motibo sa likod ng pag-atake ng naturang grupo.