Photo courtesy of CICC
Nagpaalala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa mga magulang sakaling biktima ang kanilang anak ng mga modus sa internet o social media.
Ayon sa ahensya, mahalagang i-save ang anumang detalye katulad ng palitan ng mensahe, profile, username, at iba pang maaaring magamit na ebidensya.
Bukod pa rito, agad na i-block ang account upang hindi na makapagpadala pa ng mensahe ang sinumang nais na makapanloko online.

Kung nakitaan ng seryosong panganib ang insidente, agad na ipagbigay-alam sa awtoridad at iulat ang content o account sa social media.
Huwag din anilang magdalawang-isip na dumulog sa numero ng CICC na 1326 o mag-iwan ng mensahe sa kanilang social media account na @ciccgovph.

Dagdag ng ahensya, huwag balewalain ang mga kahina-hinalang aktibidad ng mga kabataan online at agad na aksyunan kung kinakailangan.