Pinalalakas pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang operasyon laban sa mga organized syndicate makaraang itanghal ang Piilipinas at Malaysia na pangunahing binabagsakan ng mga puslit na sigarilyo ayon sa Japan Tobacco International (JTI).
Batay sa industry data na binanggit ng JTI, tinatayang ₱145 bilyong iligal na sigarilyo at e-vape ang naibenta sa Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, Thailand, at Vietnam sa nakalipas na taon.
Nagresulta ito sa mahigit $13 bilyong dolyar na pagkalugi sa ASEAN member countries habang hindi bababa sa $2.5 bilyong dolyar o humigit-kumulang ₱14 na bilyong piso ang nawalang kita dapat ng Pilipinas mula sa sigarilyo at vape.
Ayon kay PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr, mahigpit nilang tinututukan ang Mindanao na siyang nagsisilbing “backdoor” channel sa mga puslit na sigarilyo.
Sa katunayan ani Nartatez, walang patid ang kanilang operasyon kontra sa mga puslit na sigarilyo buhat nang siya’y maupo sa puwesto.