Photo courtesy of Philippine Amusement and Gaming Corporation
Umabot sa halos 3,500 entries mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang naging bahagi ng 2026 Photography Contest ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), na nagbigay ng pagkakataon sa Filipino photographers na maipakita ang kanilang talento sa pagkukuwento sa pamamagitan ng larawan.
Mula sa libo-libong entries, 24 Filipino photographers ang itinanghal na grand winners sa Conventional, Mobile, at Drone categories.
Sa temang “Kids@Play,” tampok sa winning photographs ang saya, pagkamalikhain, at mahahalagang aral na natututuhan ng mga bata sa pamamagitan ng paglalaro.
Ayon kay PAGCOR Chairman and CEO Alejandro H. Tengco, hindi lamang saya at pagka-inosente ng mga bata ang naipakita sa mga larawan, kundi pati ang mga pagpapahalagang nahuhubog sa kabataan sa pamamagitan ng paglalaro.
Binigyang-diin din ni Tengco ang patuloy na suporta ng PAGCOR sa Filipino photographers at iba pang creative talents, lalo na sa mga programang nagbibigay ng pagkakataong mapaunlad at maibahagi sa publiko ang kanilang mga talento.
Conventional Category

Walong photographers ang kinilala bilang grand winners sa Conventional Category, na tumanggap ng tig-PHP100,000 cash prize, trophy, at certificate of merit:
• Jessie Eno Jr. — Playground of the Sea
• Reu Dawner Flores — Racing the Shifting Sands
• Joshua Escalona — Circles of Life
• Lee Harvey Gumban — Gravity Can Wait
• John Nepomuceno Togonon — Ulan
• Marvin Maning — Unbothered
• Rogelio Junior Santos — The Days We Never Knew We’d Miss
• Klienne Eco — Grit in the Golden Dust
Mobile Category

Narito naman ang walong grand winners sa Mobile Category:
• Robert Alvarez — Dreams Take Flight
• Stevie Manugas — Kami at ang Dagat
• Ethel Padecio — Where Paper Boats Carry Childhood Dreams
• John Nepomuceno Togonon — Saranggola sa Baybayin
• Pinky Manzano — Leap of Friendship
• Porfirio Medina Jr. — Caution: Wet Floor
• Jobert Espino — Splashing in the Greens
• Charlie Villagracia — Playground of Joy
Drone Category

Samantala, walo rin ang nagwagi sa Drone Category:
• Joel Forte — Fun Fun Fun Here We Come
• Emman Foronda — Matayog na Pangarap
• Ed Kirby Bunan — United in Play
• Franz William Felicio — Lipad
• Roderick Tan — Playground
• Christopher Andres — Where Creativity Begins
• Rayzamae Vasques — Nag-iisang Alon
• Mary Joy Christie Sasan — Sa Gitna ng Lakbay
Bawat grand winner sa Mobile at Drone categories ay tumanggap ng PHP50,000 cash prize, trophy, at certificate of merit.
Kasabay ng pagkilala sa mga nagwagi, inanunsyo na rin ng PAGCOR ang temang “Philippine Festivals: A Homage to Filipino Culture and Tradition” para sa 2027 Photography Contest, na layong ipakita ang makukulay na pista, mayamang kultura, at tradisyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Inaanyayahan ang mga Pinoy photographer na gamitin ang kanilang talento at lente upang makuhanan at maibahagi sa publiko ang ganda at yaman ng Pilipinas.