Fake news ang mga kumakalat na post sa social media na namataan umano sa isang sementeryo sa Digos City si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa nitong UNDAS 2026.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni Phlippine National Police (PNP) Spokesperson, PCol. Allen Rae Co, lumang larawan na aniya ang kumakalat na larawan.
Ayon aniya sa nag-post ng naturang larawan, tatlong taon na itong nakalilipas kaya’t walang katotohanan ang mga lumalabas na komento ngayon sa social media.
Samantala, iginiit din ni Col. Co na walang shoot-to-kill order laban sa senador.
Kanya ring sinabi na naniniwala silang nasa loob pa ito ng Pilipinas subalit hindi pa sila makapagbigay ng detalye sa itinatakbo ng operasyon para maiwasan ang kompromiso.
Nanawagan naman siya sa publiko na maging mapanuri at paniwalaan lamang ang impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang source.