Binigyang diin ng Malacañang na hindi lang ang Pilipinas ang dumadaan sa paghina ng currency nito kung hindi pati na ang iba pang mga bansa.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, maraming bansa ang nakakaranas din ng pagbaba sa value ng kanilang salapi dahil sa aniya ay mga external factor.
Naririyan ani Castro ang Japan at South Korea na tinamaan din ng epekto ng global oil crisis na kung saan ay nagdulot ito ng currency depreciation.
Hindi aniya nag-iisa ang Pilipinas sa nabanggit na epekto ng global oil crisis habang naririyan pa ani Castro ang epekto ng US interest rates at international investors behaviour.
Kaugnay nito ay nasa Bangko Sentral ng Pilipinas aniya ang obligasyon kung pag-uusapan ay exchange rates at kung paano ito masosolusyonan.