Photo courtesy of NCIP
Inaprubahan ng Conference of the Parties to the Convention on Biological Diversity ang mga patakaran para sa permanent body na magtitiyak sa partisipasyon ng Indigenous Peoples at Local Communities (IPLCs) sa pangangalaga ng biodiversity.
Inaprubahan ang mga panuntunan sa closing plenary ng COP17 sa Yerevan, Armenia, noong Oktubre 31.
Layunin nitong matiyak ang ganap at epektibong pakikilahok ng mga katutubo, kabilang ang kanilang representasyon at proseso ng pagpili ng mga kinatawan.
Pinangunahan naman ng National Commission on Indigenous Peoples ang lahat ng negosasyon sa Article 8(j) para sa Pilipinas.
Ang naturang kasunduan ay inaasahang magbibigay-daan sa mas makabuluhang partisipasyon ng mga katutubo sa pagbuo ng mga pandaigdigang polisiya para sa biodiversity conservation.