Tiniyak ng Manila Electric Company (MERALCO) ang maaasahang suplay ng kuryente sa pagdaraos ng 49th ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong sa bansa.
Naka-standby nang 24-oras ang mga crew at tauhan ng MERALCO sa buong franchise area nito, para agad tumugon sa anumang problema sa serbisyo.
Ayon kay MERALCO Senior Vice President at Head of Networks Froilan Savet, natapos na ang inspeksyon sa mga pasilidad sa mga venue ng summit sa Pasay, Maynila, at Makati.
Nakaposisyon na rin aniya ang mga crew at kagamitan para agad maresolba ang anumang aberya sa kuryente.
Katuwang ng MERALCO sa paghahanda ang Task Force on Energy Resiliency ng Department of Energy, National Grid Corporation of the Philippines, at ang National Intelligence Coordinating Agency.