Muling iinspeksyunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga pinal na paghahanda sa Philippine International Convention Center (PICC) para sa ika-49 na ASEAN Summit, sa susunod na linggo (November 15 to 17).
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, partikular na aalamin ng Pangulo kung ano pa ang mga kailangan o kung mayroon pang kulang.
Dapat aniya, sa kasalukuyan, halos tapos na ang mga paghahanda ng bansa.
Sabi ni Castro, tunay na makikinabang ang Pilipinas sa hosting na ito ng bansa sa ASEAN, lalo na ang negosyo, kalakalan, pamumuhunan, trabaho, at maayos na supply ng pagkain at enerhiya sa Pilipinas.
Maipapakita rin aniya ng Pilipinas ang Pinoy hospitality at sipag at malasakit ng mga Pilipino, na simbulo ng tagumpay ng ASEAN Summit.
“Ang tunay na makikinabang sa pagdaraos ng ASEAN Summit sa Pilipinas ay ang bawat Pilipino dahil bawat oportunidad na mabubuksan ay pag-asang magbibigay ng mas magandang kinabukasan sa bagong Pilipinas.” -Castro
Sabi ni Castro, bawat oportunidad na mabubuksan sa hosting ng bansa sa ASEAN ay pagasa na magbibigay ng magandnag kinabukasan sa bawat Pilipino.
“Kailangan niyang makita kung ano pa iyong kulang dahil dapat ay halos patapos na tayo sa preparasyon at siguro iyong mga ibang mga maliliit na bagay na makita ng Pangulo na dapat ayusin ay iyon ang kanyang titignan.” -Castro