Mahigit P1-M halaga ng shabu, nakumpiska ng PDEG sa Cavite

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakumpiska ng mga operatiba ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ang isang milyong pisong halaga ng shabu sa arestadong drug suspek sa Dasmariñas, Cavite.

Sa ulat ni Acting PDEG Director Police Col. Dionisio Bartolome kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., kinilala ang arestadong suspek na si Jamal Mocaibat Sultan, 24 taong gulang.

Nahuli ang suspek sa isang buy-bust operation ng PDEG Special Operations Unit (SOU) NCR sa pangunguna ni Col. Bartolome, kasama ang PDEG SOU 4A, kahapon ng alas-4:30 ng umaga.

Nakuha sa suspek ang 11 plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may kabuuang timbang na 150 gramo.

Ang arestadong suspek ay nasa kustodiya ng SOU NCR, PDEG para sa pagsasampa ng kaukulang kaso, habang ang nakumpiskang droga ay dinala sa forensic group,

sa Camp Crame. | ulat ni Leo Sarne

📸: PDEG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us