DILG Sec. Abalos, may bilin sa mga bagong promote na generals ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 112 bagong talagang mga star-rank generals ng Philippine National Police (PNP) na maging magandang huwaran sa kanilang pagsisilbi sa bayan.

Ito’y matapos ang naging panunumpa ng ikalawang batch ng mga bagong na-promote na PNP star rank officer kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Secretary Benhur Abalos Jr., malaki ang inaasahan ng Pangulo at ng mamamayan sa mga bagong heneral na mas paghuhusayin pa ang kanilang trabaho sa pagsugpo sa kriminalidad, iligal na droga, at iba pang krimen.

Punto nito, malaki ang papel na gagampanan ng mga ito upang mapanatili ang kredibilidad ng Pambansang Pulisya.

“Asahan n’yo rin ang paggabay at suporta ng inyong DILG sa pagtupad ninyo sa inyong mabigat na tungkulin at responsibilidad,” ani Abalos.

Binubuo ang second batch ng bagong generals ng isang Police Lieutenant General (three star); pitong Police Major Generals (two star); at 47 Police Brigadier Generals (one star). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us