Mga senador, hinikayat ang mga awtoridad na resolbahin at aksyunan kaagad ang pagpaslang sa brodkaster na si Jumalon; loose firearms, pinatutugis rin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Senadora Grace Poe na dapat nang higpitan ng Philippine National Police (PNP) at iba pang concerned authorities ang pagtugis sa mga may hawak ng iligal na baril, hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga probinsya.

Ang pahayag na ito ni Poe ay kasunod ng pagpaslang sa radio broadcaster na si Juan “Johnny Walker” Jumalon sa Misamis Occidental.

Nais aniyang malaman ng senadora kung paanong sinusugpo ng pulisya at militar ang paglaganap at paggamit ng mga hindi lisensyadong baril.

Ayon sa mambabatas ang possession ng loose firearms ay nakakadagdag sa pagiging matapang ng mga mamamatay-tao.

Samantala, hinihimok naman ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs chairman Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang pambansang kapulisan, partikular ang Police Regional Office 10 at ng Misamis Occidental na resolbahin anag kaso sa lalong madaling panahon.

Giit ni Dela Rosa, anuman ang totoong motibo ng krimen ay iisipin agad ng mga tao ay may kinalaman ito sa trabaho ni Jumalon bilang broadcaster at hindi dapat hayaan na ma-discourage ang mga kawani media na gawin ang kanilang trabaho.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us