Pormal na nanungkulan bilang bagong Commander ng Media and Civil Affairs Group (MCAG) ng Armed Forces of the Philippines Civil Relations Service (CRSAFP) ang bagong AFP Spokesperson na si Col. Francel Margareth Padilla.
Pinalitan ni Col. Padilla ang dating MCAG Commander na si Maj. Cenon Pancito III sa Change of Command Ceremony na pinangunahan ni CRSAFP Commander Major General Ramon Zagala, sa Bulwagang Reyes, CRS Headquarters, sa Camp Aguinaldo ngayong umaga.
Ginawaran ni MGen. Zagala si Maj. Pancito ng Military Merit Medal bilang pagkilala sa kanyang “oustanding achievement” sa pamumuno ng MCAG.
Inenganyo naman ni MGen. Zagala ang bagong MCAG Commander na si Col. Padilla na ipagpatuloy ang magandang nagawa sa MCAG ng dating Commander, at pamunuan ang unit tungo sa mas marami pang tagumpay.
Ang posisyon ng MCAG Commander ay kasabay na hahawakan ni Col. Padilla sa kayang tungkulin bilang tagapagsalita ng AFP.
Si Col. Padilla ang kauna-unahang babaeng tagapagsalita ng AFP at finalist sa Cybersecurity Woman of 2023. | ulat ni Leo Sarne