Idineklara ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) ng Bataan na nakamit na ng lalawigan ang “Stable Internal Peace and Security.”
Ang deklarasyon ay nilagdaan kahapon sa The Bunker, Provincial Capitol, Balanga City, Bataan ni Governor Jose Enrique Garcia III, kasama si 7th Infantry (Kaugnay) Division Commander Maj. General Andrew D. Costelo PA, at iba pang mga opisyal ng PPOC.
Sa kanyang mensahe Pinuri ni MGen. Costelo ang mga tropa ng 702nd Infantry (Defender) Brigade, sa pamumuno ni Brigadier General Gulliver L. Señires PA sa kanilang papel sa pagkamit ng Bataan ng “Stable Internal Peace and Security.”
Ang Bataan ang pangatlong lalawigan sa ilalim ng 702IBde na nagkamit ng “Stable Internal Peace and Security” kasunod ng Tarlac at Zambales.
Ayon kay MGen. Costello, ang deklarasyon ay testamento ng commitment at sakripisyo ng mga tauhan ng militar, Philippine National Police at mga Local Government Unit, para pangalagaan ang mga komunidad. | ulat ni Leo Sarne
Courtesy of 7ID