Walong lugar sa bansa ang makakaranas pa ng sobrang init ng panahon o alinsangangan ngayong araw, Abril 14.
Kabilang sa mga lugar na pasok sa danger level category ang heat index ay ang Dagupan City sa Pangasinan; Aparri at Tuguegarao City sa Cagayan; Puerto Princesa City at Aborlan, Palawan; Dumangas, Iloilo; Zamboanga City, Zamboanga del Sur at Cotabato City, Maguindanao.
Batay sa heat index forecast ng PAGASA, aabot sa 42° Celcius hanggang 43° Celcius ang mararanasan sa mga nabanggit na lalawigan.
Asahan din na maramdaman ang 39°Celcius na init na panahon sa NAIA sa Pasay City at 38°Celcius sa Science Garden sa Quezon City .
Pinapayuhan pa rin ang publiko na hanggat maaari ay iwasan ang paglabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan at ugaliing uminom ng maraming tubig.
Posible umanong makaranas ng heat cramps,heat exhaustion at heat stroke ang sinuman kapag sobrang nakababad sa init ng araw.| ulat ni Rey Ferrer