Nabawasan ang bilang ng mga syudad at munisipalidad na naibaba sa pink zone status mula sa red zone o pagiging infected.
Sa inilabas na zoning update ng National ASF Prevention and Control Program, bumaba sa 457 siyudad at munisipyo ang nasa pink zone habang aabot namn 100 siyudad at munisipyo din ang na-upgrade sa yellow zone muna sa pink zone.
Ang pink zone status ay nagsisilbing buffer, kung saan walang naitalang ASF ngunit katabi ng isang infected zone at mga lugar na hindi nakapagtala ng ASF sa loob at hindi bababa sa 90-araw.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang ginagawang mga hakbang ng DA para maiwasan ang pagkalat ng ASF at masuportahan ang mga hog raisers.
Kabilang na rito ang pagtatayo ng livestock inspection areas o checkpoints bilang pinahigpit na biosecurity measures sa ilang lugar sa bansa.
Nakatakda na rin ang controlled ASF vaccination sa ilang lugar na may outbreak ng sakit partikular ang Batangas. | ulat ni Merry Ann Bastasa