Sen. Risa Hontiveros, nanawagang dapat pagbayarin ang China para pinsalang ginawa nila sa corals sa West Philippine Sea

Inihain ni Senadora Risa Hontiveros ang Senate Resolution 804 na nagpapahayag ng mariing pagkondena sa malawakang pag-aani ng China ng corals sa West Philippine Sea at hinimok ang naaangkop na kumite ng Senado na magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa isyu. Ito ay matapos makumpirma na sinira ng mga Chinese militia vessels ang mga bahura o… Continue reading Sen. Risa Hontiveros, nanawagang dapat pagbayarin ang China para pinsalang ginawa nila sa corals sa West Philippine Sea

NTF-ELCAC kampanteng makakamit ang insurgency-free status sa buong bansa sa taong 2024

Kampante si NTF-ELCAC Executive Director Usec. Ernesto Torres Jr., na bago matapos ang taong 2024, magiging insurgency-free na ang buong bansa. Ayon sa opisyal, sa ngayon, isa na lang ang natitirang active guerilla front ng New People’s Army, at 19 na mga weakened guerilla fronts sa buong bansa mula sa bilang na 89 active guerilla… Continue reading NTF-ELCAC kampanteng makakamit ang insurgency-free status sa buong bansa sa taong 2024

123 biktima ng human trafficking, matagumpay na nailigtas ng Philippine Navy sa Sulu

Matagumpay na nailigtas ng Naval Task Force-61 (NTF-61) ng Naval Forces Western Mindanao (NavForWem), sa koordinasyon ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan at mga law enforce agency, ang 123 mga biktima ng human trafficking sa Tubalubac Island, Barangay Aluh Bunah sa bayan ng Pangutaran, Sulu. Sa kasagsagan ng operasyon, narekober din ng mga tropa… Continue reading 123 biktima ng human trafficking, matagumpay na nailigtas ng Philippine Navy sa Sulu

DTI, pinaalalahanan ang mga Pangasinense kontra scammers na nagpapanggap na kawani ng ahensya

Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan ang publiko kaugnay sa mga scammers na nagpapanggap bilang kawani ng ahensya kung saan target na mabiktima ang mga micro, small at medium enterprises o MSMEs sa probinsya. Sa isinagawang forum, sinabi ni DTI Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten na may natanggap silang dalawang ulat mula… Continue reading DTI, pinaalalahanan ang mga Pangasinense kontra scammers na nagpapanggap na kawani ng ahensya

Pamahalaan, mas palalakasin ang clustering ng magsasaka at pagtatanim ng hybrid rice para mas mapalakas ang produksyon ng bigas

Mas palalakasin ng gobyerno ang clustering ng mga magsasaka ng palay at pagtatanim ng hybrid rice para mas mapataas ang produksyon ng bigas sa bansa. Sa isang press conference kaugnay ng ika-16 na National Rice Technology Forum sa Davao del Sur, ipinaliwanag ni Masagana Rice Industry Development Program Focal Person on Productivity Enhancement Dr. Frisco… Continue reading Pamahalaan, mas palalakasin ang clustering ng magsasaka at pagtatanim ng hybrid rice para mas mapalakas ang produksyon ng bigas

Mahigit 1,500 na kandidato para sa BSKE 2023, nakiisa sa ginanap na unity walk at peace covenant signing sa bayan ng Lingayen

Umabot sa 1,580 na mga kandidato sa nalalapit na Halalang Pambarangay ang lumahok at nakiisa sa Mass Unity Walk, Peace Covenant Signing at Candidates Briefing na ginanap sa bayan ng Lingayen ngayong araw, September 20. Nagmula ang mga kandidatong dumalo sa aktibidad sa 32 barangay ng nabanggit na bayan na nagpakita ng kanilang pagnanais na… Continue reading Mahigit 1,500 na kandidato para sa BSKE 2023, nakiisa sa ginanap na unity walk at peace covenant signing sa bayan ng Lingayen

DA 11, nilinaw na saklaw sa implementasyon ng EO 39 ang mga imported regular-milled, well-milled na bigas

Nilinaw ng Department of Agriculture 11 (DA 11) na kasali ang mga imported rice sa pagpapatupad ng Executive Order 39 or ang P41 at 45 na price ceiling sa bigas sa merkado. Ito’y matapos lumabas ang issue na mga local well-milled at regular-milled na bigas lang ang saklaw ng EO 39. Inihayag ni DA 11… Continue reading DA 11, nilinaw na saklaw sa implementasyon ng EO 39 ang mga imported regular-milled, well-milled na bigas

Iba’t ibang aktibidad, inilatag ng DepEd San Carlos City sa pagdiriwang ng “Buwan ng mga Guro”

Nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Guro ngayong Setyembre ang pamunuan ng San Carlos City Schools Division Office. Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang misa na sindundan ng iba’t ibang aktibidad tulad ng medical mission, parada at konsyerto. Ang pagdiriwang ngayong taon na may temang “Together4Teachers,” ay pagkilala sa husay, dedikasyon at kadakilaan… Continue reading Iba’t ibang aktibidad, inilatag ng DepEd San Carlos City sa pagdiriwang ng “Buwan ng mga Guro”

Philippine Red Cross, naghatid ng serbisyong medikal sa mga dumalo sa Peñafrancia Festival sa Naga City

Nagbigay ng serbisyong medikal ang Philippine Red Cross Emergency Medical Services Unit sa mga dumalo sa Peñafrancia Festival sa Naga City. Mahigit 1,000 pasyente ang nabigyan ng tulong ng PRC Emergency Medical Services Unit sa naturang pagdiriwang matapos na mahirapang huminga, mahilo, sumakit ang ulo, at ibang pang karamdaman. Ayon kay PRC Chairman at CEO… Continue reading Philippine Red Cross, naghatid ng serbisyong medikal sa mga dumalo sa Peñafrancia Festival sa Naga City

Pagsuspinde sa excise tax ng tatlong buwan, isa sa nakikitang solusyon para mapababa ang presyo ng produktong petrolyo

Magkakasa ng panibagong pulong ang Kamara at mga oil company sa susunod na linggo upang maplantsa ang magiging solusyon sa patuloy na oil price hike. Ayon kay Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, maraming inilatag na suhestyon para ibsan ang epekto ng oil price hike, isa na nga rito ang pagsuspinde sa ipinapataw na excise tax… Continue reading Pagsuspinde sa excise tax ng tatlong buwan, isa sa nakikitang solusyon para mapababa ang presyo ng produktong petrolyo