5 patay, 11 sugatan sa mga insidente ng pamamaril sa BARMM

Nasa 5 ang nasawi at 11 ang sugatan sa 6 na insidente ng pamamaril sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ngayong araw. Ito ang iniulat ni Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) Regional Director Police Brig. Gen. Allan Nobleza kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda sa pulong balitaan sa Camp Crame… Continue reading 5 patay, 11 sugatan sa mga insidente ng pamamaril sa BARMM

PMO Agusan, puspusan ang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong long weekend

Nakahanda na ang Port Management Office (PMO) Agusan sa pagdagsa ng mga pasahero alinsunod sa BSKE 2023 at sa pag-obserba ng Undas 2023. Ayon kay Bernelou A. Joven, Media Relations Office ng PMO Agusan, ang ahensiya ay nasa heightened alert status dahilan ng pagdagdag nito ng mga Malasakit Help Desk bilang preparasyon sa long weekend… Continue reading PMO Agusan, puspusan ang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong long weekend

Drivers at mga konduktor, muling sumailalim sa drug testing sa PITX

Muling sumailalim sa drug testing ang mga driver at konduktor sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) para masiguro ang kaligtasan sa kalsada sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at Undas. Ayon kay MMDA Chair Romando Artes, magkakaroon muli ng drug testing sa PITX para sa mga driver at konduktor, kasama ang PDEA,… Continue reading Drivers at mga konduktor, muling sumailalim sa drug testing sa PITX

QC, tiniyak ang kahandaan sa Barangay Elections 2023

Handang-handa na ang Quezon City Government para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na gaganapin sa 169 polling precincts. Pinuri ni Mayor Joy Belmonte ang concerned government agencies at departments ng city government dahil ligtas na magagamit ng mga residente sa 142 barangay ang kanilang karapatang bumoto. Ayon sa alkalde, tatlong mall sa… Continue reading QC, tiniyak ang kahandaan sa Barangay Elections 2023

Higit 63,000 PDLs, tiyak nang makaboboto sa Barangay at SK Elections

Mahigit 63,000 Persons Deprived of Liberty (PDL) na registered voters ang tiyak na makaboboto sa darating na Barangay at SK Elections. Ngayong araw, pormal nang nilagdaan sa Central Office ng Bureau of Jail Management and Penology ang Tripertite Memorandum of Agreement sa pagitan ng Commission on Elections (Comelec), Public Attorney’s Office at Bureau of Jail Management… Continue reading Higit 63,000 PDLs, tiyak nang makaboboto sa Barangay at SK Elections

Ecowaste Coalition, umapela sa mga kandidato ng BSKE na iwasan ang paggamit ng tarpaulin sa pangangampanya

Umapela ang environmental group na EcoWaste Coalition sa lahat ng Barangay at Sangguniang Kabataan Eelection candidates na iwasan na ang paggamit ng mga tarpaulin sa panahon ng kampanya. Ito’y habang hindi pa naaamyendahan ang Republic Act No. 9006, o ang Fair Election Act na isinusulong ni Senador Raffy Tulfo na naghain ng Senate Bill No.… Continue reading Ecowaste Coalition, umapela sa mga kandidato ng BSKE na iwasan ang paggamit ng tarpaulin sa pangangampanya

Mahigit 1,500 na kandidato para sa BSKE 2023, nakiisa sa ginanap na unity walk at peace covenant signing sa bayan ng Lingayen

Umabot sa 1,580 na mga kandidato sa nalalapit na Halalang Pambarangay ang lumahok at nakiisa sa Mass Unity Walk, Peace Covenant Signing at Candidates Briefing na ginanap sa bayan ng Lingayen ngayong araw, September 20. Nagmula ang mga kandidatong dumalo sa aktibidad sa 32 barangay ng nabanggit na bayan na nagpakita ng kanilang pagnanais na… Continue reading Mahigit 1,500 na kandidato para sa BSKE 2023, nakiisa sa ginanap na unity walk at peace covenant signing sa bayan ng Lingayen