Drug personality na kabilang sa PDEA at PNP unified watchlist, naaresto sa isang drug den sa Valenzuela City

Apat na drug personality kabilang ang isa na nasa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) watchlist ang naaresto ng PDEA Regional Office National Capital Region – Southern District office sa Valenzuela City. Ito’y matapos salakayin ang isang drug den sa #870 A. De Castro St., Barangay Malinta, kahapon ng hapon. Ang mga… Continue reading Drug personality na kabilang sa PDEA at PNP unified watchlist, naaresto sa isang drug den sa Valenzuela City

Mga kawani ng Office of the President at pamilya Marcos, nagpaabot ng pagbati sa kaarawan ng Pangulo

Binati ng pamilya Marcos at mga tauhan sa Office of the President si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang ika-66 na kaarawan ngayong araw.  Sa official Facebook page, ibinida ni First Lady Liza Araneta – Marcos, ang larawan nila ng Pangulo, kalakip ang mga salitang “Wishing my soulmate a very happy 66th birthday.” Ipinagdiwang ng… Continue reading Mga kawani ng Office of the President at pamilya Marcos, nagpaabot ng pagbati sa kaarawan ng Pangulo

Built Better More Flagship Program and Projects, itinampok sa photo exhibit sa House of Representative

Tampok ngayon sa Kamara ang Built Better More Flagship Program and Projects na ipinatutupad ngayon ng Administrasyong Marcos Jr. upang mas ma-appreciate ng mga mambabatas ang infrastructure development programs ng gobyerno. Ang photo exhibit ay nasa South Wing Lobby ng House of Representatives. Ayon kay Committee on Flagship Programs and Projects Chairman at Davao Occidentel… Continue reading Built Better More Flagship Program and Projects, itinampok sa photo exhibit sa House of Representative

P136-M halaga ng shabu, nakumpiska sa Paranaque City -PDEA

Aabot sa P136-milyon ang halaga ng shabu na nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency at ParanaqueCity Police sa Tambo, Parañaque City. Sa ulat ng PDEA, isang buy-bust operation ang ikinasa ng mga awtoridad sa lugar at humigit kumulang sa 20-kilo ng shabu ang nakumpiska. Nahuli din ang mga drug suspect sina Mark Joseph Cortez at… Continue reading P136-M halaga ng shabu, nakumpiska sa Paranaque City -PDEA

Ilang senador, magkakataliwas ang opinyon sa apela ng Ombudsman na alisin na ang mandatory publication ng initial audit report ng COA

Magkakaiba ang opinyon ng ilang mga senador sa panawagan ni Ombudsman Samuel Martires na alisin ang probisyon sa general appropriations act (GAA) tungkol sa mandatory publication ng initial report ng Commission on Audit (COA) tungkol sa paggamit ng pondo ng mga government agencies. Ayon kay Senadora Imee Marcos, mahalagang maikonsidera ang apelang ito ng Ombudsman. Iginiit… Continue reading Ilang senador, magkakataliwas ang opinyon sa apela ng Ombudsman na alisin na ang mandatory publication ng initial audit report ng COA

87 rice retailers sa Central Visayas, tatanggap ng cash assistance sa Huwebes, Setyembre 14

Nakatakdang mamigay ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Visayas ng P15,000 cash assistance para sa mga apektadong rice retailer sa rehiyon matapos ang implementasyon ng Executive Order No. 39. Ayon sa DSWD 7, nakahanda na ang P1.3 milyong pondo na mula sa Sustainable Livelihood Program… Continue reading 87 rice retailers sa Central Visayas, tatanggap ng cash assistance sa Huwebes, Setyembre 14

Higit sa P2.9-M halaga ng ipinuslit na mga sigarilyo, nasamsam ng mga awtoridad sa Zamboanga City

Nasamsam ng mga awtoridad ang higit sa P2.9-M halaga ng ipinuslit na mga sigarilyo sa karagatan na malapit Tumalutap, isang island barangay sa lungsod ng Zamboanga. Bukod sa mga kontrabando, apat na mga tripulante rin ng isang jungkong-type motorboat ang nalambat ng mga operatiba ng Seaborne Company. Kinilala ni Police Lt. Col. Reynald Ariño, hepe… Continue reading Higit sa P2.9-M halaga ng ipinuslit na mga sigarilyo, nasamsam ng mga awtoridad sa Zamboanga City

Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar leads city agriculture office in distributing cash assistance for local rice retailers

In a timely response to the rising prices of rice in the country, Mayor Imelda Aguilar took a decisive stand to safeguard the city’s small-scale rice retailers, traders, and vendors. Under her leadership, the City Agriculture Office, in conjunction with the City Social Welfare and Development Office, distributed P15,000 in cash assistance to 139 deserving… Continue reading Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar leads city agriculture office in distributing cash assistance for local rice retailers

Mga rice retailer sa Iloilo City, nakatanggap ng ayuda

Sinimulan na ang pamamahagi ng ayuda sa mga rice retailer sa Western Visayas partikular sa Iloilo City nitong Miyerkules alinsunod sa Executive Order no. 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Masayang tinanggap ng 14 rice retailers mula sa iba’t ibang merkado publiko ng Iloilo City ang P15,000 ayuda mula sa Department of Social Welfare… Continue reading Mga rice retailer sa Iloilo City, nakatanggap ng ayuda

Passport on Wheels program ng DFA muling bubuksan sa lungsod ng Taguig bukas

Muling magbubukas ng mga limitadong slot ang Department of Foreign Affairs (DFA), katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig, para sa mga Taguigueño na gustong mag-apply ng bagong passport o mag-renew nito sa pamamagitan ng Passport on Wheels program. Magsisimula ang programa sa Oktubre 9-10, 2023, mula 9:00 am hanggang 4:00 p.m. sa Lakeshore Hall, Lower… Continue reading Passport on Wheels program ng DFA muling bubuksan sa lungsod ng Taguig bukas